Chapter 29
So ganon pala, ang purpose niya na mag-apply hindi dahil magtrabaho? Kundi dahil sa C.E.O? Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya. Dami pa lang gustong lumandi sa pag-aari ko.
"Can't speak?"
"Sa tingin mo ba may pakialam ako?" kita ko ang pag-arko ng kanyang labi sa inis. Seryoso akong tumingin direkta sa mata nito. Tumayo ako, duh mas malayo naman na matangkad ako sa kanya. Nakasapatos pa ako at siya nakahigh-heels.
"Nagsasayang ka lang ng oras" nawalan na ako ng gana. Tumalikod ako sa kanya at magsisimula na sanang maglakad pero huminto ako at tinitignan siya "Ang landi mo" bulong ko pero sapat lang na marinig niya.
Kita ko ang pagkuyom ng kamay niya pero wala na akong pakialam do'n. Nagsimula na ako maglakad pero hindi ko pa nakakalahati ay may humila na ng buhok mula likuran kaya napasigaw ako sa sakit.
"Walang hiya ka! Do you think I'll let you passed that easy?" hawak hawak ko ang buhok ko sa likuran at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa akin.
"Bifawan mo ako!" sigaw ko.
"Miss bitawan mo siya" dumating na rin ang mga guard at pinapakalma ang babae pero hindi pa rin ito natinag at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa buhok ko, mas masakit pa ito kaysa sa ginawa sa akin noon ni Floraine. .
Feeling ko matatanggal na ang anit ko.
"Huwag kayong makialam!" sigaw niya at itinuturo ang guard na lumayo. Kanina sobrang hinhin ng kilos niya pero iba na ang nakikita ko ngayon.
Hindi na ako nakatiis at malakas kong siniko ang bewang niya dahilan para mapasigaw ito sa sakit at mapabitaw sa akin.
Biglang tumahimik ang paligid, ang kaninang ingay dahil sa gulo ay napalitan ng nakakabiging katahimikan. Napatingin ako sa babaeng walang hiyang humila sa buhok ko pero para na itong tuta na umiiyak at nakasalampak sa sahig.
Tumingin ako sa mga staff pero nakayuko lang silang lahat.
"What is happening here?" bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa lamig ng boses ni Klayon mula sa aking likuran.
Shemay ba't hindi ako makagalaw, bakit ba ako kinakabahan na pinagpapawisan? Wala naman akong ginawang masama.
"Hey you woman, I'm talking to you" napakagat labi ako, ituro ko ang sarili ko.
"Turn around" dahan dahan akong humarap sa kanya. Nagtama ang mata namin at kita ko ang paglambot ng kanyang mukha at pangungulila sa kanyang ekspresyon.
Alanganin akong ngumiti "Hi?" tanong ko.
Siya mismo ang naglakad palapit sa akin at mabilis akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko at pagdampj ng labi niya sa noo ko.
Namuo ang luha ko at dahan dahan na itong tumulo, niyakap ko siya pabalik na parang isang taon kaming di nagkita.
"Hey, why are you crying?"
Gusto niyang humiwalay sa yakap pero mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "Klayon naman saan ka nanggaling? Ha? Pinag-alala mo ako" sabi ko sabay hikbi. Wala na akong pakialam kong marami ang tumitingin sa amin ngayon, ang mahalaga nakita ko na rin si Klayon.
Napasinghap ako ng bigla niya akong buhatin, sumandal ako sa dibdib niya pero hindi pa rin mawala ang luha ko na kanina pa lumalabas.
Nakita kong pumasok kami sa elevator. Hanggang sa pagsara nito ay hindi pa rin ako binababa ni Klayon.
"I miss you so much, Za. F-ck those appointment!"
"Sabi kong huwag kang magmumura e, tigas ng ulo mo" nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...
![Always You [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/316227750-64-k208114.jpg)