C h a p t e r 41

30 3 0
                                    

Chapter 41

Sobrang bilis ng pangyayari, akala ko iyon lang ang surprised sa akin ni Klayon may mas bongga pa pala!

Iyon pala ang pinagka-abalahan ni Josefa kanina kaya siya lumabas.

On the way na kami ngayon sa Venue, wala nga akong ka-ideya kong saang place iyon e.
May pa-secret pa kasi si Josefa kanina, pero bilib din ako sa kanya, ang galing nilang magkonchaba ni Klayon.

Pinasuot pa sa akin ni Josefa ang isang evening dress pero nagsuot din ako ng jacket dahil giniginaw ako. Pilit niya pang ipinatatanggal sa akin kanina pero ako pa rin ang nagwagi.

Nauna na si Klayon sa Venue pati na rin ang sila mama at tita, kami lang ngayon ni josefa ang paparating palang.

"Oh nandito na tayo, tanggalin mo na ang jacket mo" mandar niya sa akin

"Malamig josefa, mamaya na lang" nagpout pa ako pero umirap lang siya at nauna ng bumaba, sunod ay inalalayan niya naman ako sa pagbaba.

"Salamat" umangat ang tingin ko sa building dito sa harap ko. It has this luxurious design, nagkikitabang glass mirror, hindi ko kita ang loob pero alam kong see through ito sa labas, lakas makatinted!

"Anong event pala gaganapin dito?" nagtatakang tanong ko kay josefa.

"Malalaman mo mamaya" maikling sagot niya.

Kunot ang noo ko habang papasok kami sa loob, sobrang tahimik ng paligid "Glad na nasanay ka sa takong mo"

"Hindi ako nagsuot ng takong" sagot ko. Napahinto kami saglit at hinarap niya ako "e anong suot mo ngayon?"

Itinaas ko ang suot kong dress at ipinakita sa kanya ang shoes na suot ko. Hindi kasi ako sanay magsuot ng sandal na may malaking takong, mabilis sumakit ang paa ko.

Kaya napagdesisyonan ko nalang kanina na magsapatos dahil natatakpan din naman ng dress ko ang paa ko.

Malalim lang itong bumuntong hininga at napahawak sa sentido nito pagkatapos umiling "Okay, nanggigigil ako saiyo Azra!"

"Wala na tapos na naman, ano naman magagawa natin" natawa ako dahil parang kinukumbinsi pa niya ang sariling huwag magalit.

"Peace hehe" sabi ko

"Tara na!" sa 'di inaasahan ang malaking pinto sa harapan namin kanina ay dahan dahang bumukas "Pasok na tayo" nakangiting sabi ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo Za, iyang buhok mo ha, huwag mo na namang pagdiskitahan. Hirap kaya umayos niyan"

"Okay po" sabi ko, nakalugay lang ang buhok ko dahil sa kagustuhan ni josefa tapos ang ilan ay tinarintas niya lang para naman daw may konting disenyo. Siya rin ang nag-ayos mukha ko, alam niyo sobrang excited pa niya kanina habang naglalagay ng kolorete sa mukha ko.

"Pasok na tayo, kong hindi mo lang birt–" nahinto ito sa pagsasalita at tumikhim "– bilisan na lang natin okay?" nagkibit-balikat ako at naglakad na papasok sa loob.

Pagpasok sa loob ay nabighani ako sa ganda ng paligid though medyo may pagkamadilim siya "Josefa–"

Hala nasaan na iyon? Ang bilis naman niya mawala kasama ko lang kanina ah, bigla akong nasilaw sa malakas na ilaw na tumama sa direksyon ko dahil doon mabilis akong napikit at napaatras. Ang liwanag ba naman.

Teka ano bang nangyayari? Hindi ko inaasahan ang paglapit ng isang lalaking entranghero at nakangiting ibinigay sa akin ng isang pulang rosas.

Akala ko isa lang hanggang umabot sa twenty one na bulaklak ang naibigay sa akin ng iba't ibang lalaki. Ang pagkakaalam ko ay doon na nagtatapos pero hindi pala dahil nakita ko si Klayon na may ngiti sa labi habang may hawak na pulang rosas sa kanyang kamay.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon