Chapter 33
Nasa harapan ako ngayon ng pintuan ng kwarto ni Klayon. Mariin akong bumuntong hininga at dahan dahang pinihit ang doorknob.
Buti hindi niya ni-lock bago matulog. Sobrang dilim pagpasok ko, grabe naman di ba siya takot na wala ni isang ilaw?
Hindi ko muna isinara ang pinto dahil kundi magkakapa na talaga ako sa dilim. Walang masyadong design ang kwarto nito, wala rin masyadong gamit.
Sa may kaliwa ay ang malaking cabinet tapos sa harap naman ay ang kama na ni Klayon na King size bed. Pwede nang limang katao ang matulog dito.
Bakit naman pati bedsheet ng kama ay kulay black? Hindi ko masyadong tanaw si Klayon dahil nakakumot ito. Bigla akong nilamig dahil sa aircon. Grabe alam mo ba iyong feeling na pumasok ka sa mall, ganon ang lamig ng aircon dito.
Lumapit ako sa kama niya at napansin ang isang frame na katabi na nakalagay sa maliit na mesa.
Banayad lang ang pag-apak ko sa sahig, para hindi makagawa ng ingay. Kinuha ko ang frame, at matyagang pinagmasdan ito. Ako ito noong bata ako, tapos si Klayon ay nakaakbay sa akin. Sobrang saya naming dalawa dito sa picture na ito. Ang cute!
Date: September 19 199*
Teka kong September 19 ito? Sabi ni mama September 20 kami umalis sa bahay nila klayon noon at itong taon parehas lang din! Sh-t pesteng luha ito nagsisilabasan na naman.
Pinunasan ko ang luha ko.
Dahan dahan kong ibinalik ang frame at binalingan si Klayon na ngayon ay mahimbing na natutulog.
Naupo ako para mapantayan siya "Mahal na mahal kita Klayon, sorry kong dahil sa akin naranasan mo ang mga iyon. Sorry dahil iniwan kita. Sorry dahil wala akong kaalam-alam" sabi ko at sumisinghot na rin.
Hinahaplos ko ngayon ang buhok nito, titig na titig ako sa mukha niya. Ang makakapal niyang kilay na pati tulog ay nakakunot ang mga ito.
Hinaplos ko ang noo niya at hanggang sa mapunta ang kamay ko sa sa tungki ng ilong nito.
"Ba't ba ang gwapo mo kahit tulog?" nakangusong tanong ko sa kanya as if naman maririnig niya ako.
Nabigla ako ng kuhanin niya ang kamay ko at hinalikan ito. Kaya napatayo ako sa gulat.
Bumukas ang kaliwang mata niya na parang sinisilip ako. "What are you doing here?" ngayon ay bumangon na ito at naupo sa kama. Ako naman itong gulat pa rin sa pangyayari. Paano ko ba ie-explain kong bakit ako nandito?
Isip Azra! Isip!
Wala itong imik, hinihintay niya ang sagot ko. Nakatingin lang ito sa akin. Gulong gulo ang buhok nito pero bakit ang unfair! Bakit gumwapo naman ata ito ngayon?
"Come here" sabi niya. Inextend pa niya ang kamay niya para ipaalam na gusto niya akong yakapin.
Tumakbo ako papalapit sa sofa at doon naupo. "Dito na lang ako hehe, sige ituloy mo lang ang tulog mo, inaantok ka pa oh. Aalis din ako maya maya" pagdadahilan ko, e ano ba ang dapat kong sabihin?
Ang may ngiting expression mukha niya ay napalitan ng pagkaseryoso. Matalim niya akong tinignan at ti-nap ang kama pahiwatig na doon ako uupo. Para siyang bata ngayon sa itsura niya, juiccoke! Ang cute!
"Come here, I said" nanlaki ang mata ko dahil mas lalong naging seryoso ang boses niya. Para siyang nagbabanta.
"Ah hindi na, maalala ko may gagawin pa pala ako hehe. Sige maiwan muna kita rito" sabi ko.
Maglalakad na sana ako patungong pintuan ng magsalita ito.
"Za" napahinto ako. Nang biglang may humawak sa kamay ko mula sa likuran.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...