Chapter 36
Totoo nga ang sinabi ni Klayon kanina, hininga talaga ni Iyana sina tita. At doon din siya matutulog sa guest room.
"Ito tita I think you like this bag, it's from chanel"
"Oh iha, nag-abala ka pa. You shouldn't have. I have tons of chanel bag in my room" sa itsura ngayon ni Iyana parang nadismaya siya.
"Pero kukuhanin ko pa rin, nextime huwag ka ng bumili okay? Iyong ibang binili mo para sa akin hindi ko pa nagamit" sabi ni tita habang hinahawakan ang bag na kulay brown.
Ako naman itong nakikinig lang habang tumutulong sa paghahanda ng lamesa. Hindi ako pinayagan ni tita kaso nagpumilit ako na tumulong.
"Lagi bang pumupunta si Iyana rito?" tanong ko dito kay Elea, nakilala ko siya kanina hehe. Magkasame vibe kami, at gustong gusto ko na siyang kausap ngayon. Pareho kaming madaldal e. 30 years old na siya at may isang anak na babae. Kaso nasa probinsya daw ito at nag-aaral.
"Oo, at lagi rin siyang may dalang pasalubong kapag dumadating dito" bulong niya sa akin.
"Ganon ba?" nakangusong saad ko.
"Yez pero ayaw ko ang ugali niya kapag nandito siya, buti nga ngayon ay tahimik e" bigla akong naintriga sa sinabi nito kaya inaya ko siyang magkwento sa akin sa loob ng kusina.
"TALAGA?" sabi ko, tumango lang ito.
"Buti nga nandito ka e, dahil siguro saiyo wala akong naririnig na mandar sa kanya ngayon" kumunot ang noo ko.
"Minsan nga e sobrang bossy niya, dapat kapag nandito siya ay perpekto ang lahat ng mga gawain, kaya nga naiinis kami sa kanya. Akala mo siya ang nagpapasahod sa amin" maktol niya sabay irap sa ere.
"Isa pa, akala ko nga girlfriend siya ni Sir Klayon kaso sa pinapakita ni Sir sa kanya ay malabo. Kapag nandito kasi si Ma'am Iyana iyon naman ang pag-alis ni Sir. Pero ngayon ikaw pala itong girlfriend. Mas bet kita, ang bait mo Azra" nagflip hair ako sa ere at nagthumps-up sa kanya.
"Matagal na" proud kong sabi tapos sabay kaming natawa.
"Elea? Nasaan na ang drinks? Kailangan ba talagang sabihin lagi ang mga dapat niyong gawin?" saad ni Iyana at nakita kong nabuksan ang pinto at iniluwa ang iritableng mukha nito. Medyo nabigla ito nang makita.
"Ikaw pala Azra, what are you doing here?" nagtatakang tanong niya pero ngayon ay bumaling ang atensyon niya kay Elea na nasa likuran ko.
"Did I just told you to bring us our drinks? Are you diff? Or nagpapanggap ka lang talaga na walang narinig?" galit na sabi nito at nangangalait sa galit.
"Teka nga lang Iyana, kanina ko pa kasama si Elea at wala ka namang inutos sa kanya na dalhan kayo ng iinumin?" sabat ko dahil totoo naman, wala siyang sinabi. Sa tagal namin nag-uusap ni Elea kanina. Wala akong narinig na utos nito.
"I'm not talking to you Azra, kahit na wala akong sinabi. Wala ba siyang initiative?" sumgbat niya sa akin.
"You" ang nabigla ako ay ang paglapit niya kay Elea at dinuro ito sa ulo. Kaya sinampal ko ang kamay niya.
"Anong karapatan mong iduro siya?" medyo napataas na rin ang boses ko. Pinaningkitan niya ako ng mata at malakas na tinulak dahilan para matumba at tumama ang likod ko sa sahig.
"Stay out of this Azra! Huwag kang makialam. This woman should be teach a lesson, walang alam!" ibang iba ang nakikita kong Iyana kanina sa nakikita ko ngayon.
Galit at literal na gusto niyang manakit sa lagay niya ngayon. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ganito siya umasta ngayon? Kakaiba.
"Ano bang problema mo huh?!" ngayon ay bumaling siya sa akin at nanlilisik ang matang tumingin sa direkyon ko.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...
![Always You [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/316227750-64-k208114.jpg)