C h a p t e r 2

192 10 2
                                    


Chapter 2

"Za! Sandali, ba't ba ang bilis mo huh? Excited lang teh?" panira talaga ang isang to e, pagpasok namin sa Mall dumeritso siya sa isang boutique syempre bilang isang masunurin na bff sumunod ako sa kanya. Hihi may good new ako hindi raw natuloy ang quiz dahil may emergency meeting kanina tapos declared na walang pasok ngayong araw dahil di ko rin alam e, di kasi kinompleto ng badiday na ito kanina ang sasabihin.

Busog ako kanina hihihi, libre e, nang malaman namin kaninang walang pasok pumunta na kami rito sa mall agad. Malayo ang mall sa University kailangan mo pang sumakay ng trycicle para pumunta sa paradaan ng jeep pero nagtaxi kami kanina syempre libre ni bff, alangan naman na ako no ang mahal kaya ng pamasahe , after 10 minutes charan nandito na kami.

"za anong mas maganda sa kanilang dalawa?" tanong niya sabay pakita sa akin ang dalawang gown na hawak hawak niya. Maganda naman silang dalawa kaso mas attractive iyong nasa kaliwa, dark blue tapos may mga parang glitters, iyong isa naman pure yellow na may pagkadirty kasi tignan pero hindi iyon mantsa like normal lang.

"Iyong nasa kaliwa pero depende sa'yo kong ano sa dalawa ang pipillin mo" sabi ko at nagkibit balikat, ibinaling ko ang atenyon ko sa labas tinitignan ang mga taong naglalakad, see through kasi dahil sa salamin pero di nila kami nakikita sa loob.

Nang may nakita akong isang cute na batang babae, aww sarap pisilin ng cheeks, kasabay nito ang lalaking naka-itim tapos nakamask pa, anong trip nito? Samahan pa ng leather na jacket ang init init kaya, feeling nasa korea.

May kinuha ang lalake sa bulsa niya, cellphone pala tapos nagsimula na itong may kausap. Sino kaya ang kausap niya? hmm. Teka ano bang pakialam ko?

"psst gaga anong tinitignan mo riyan, omg ang gwapo nung fafa" sabi niya may dumaan kasing lalakeng nakaitim din, paano niya ba malalaman kong gwapo iyan nakamask din, tsk.

"tignan mo ito dali, bagay di ba sakin?" suot niya ngayon iyong dark blue kanina hanggang paa ang haba, well bagay naman sa kanya kasi nga payatot itong si bff, talo pa niya ako mas may may curve siya sa katawan kaysa  sa akin.

Nagthumb up lang ako at tinignan muli iyong lalaki pero biglang kumunot ang noo ko nang wala akong nakitang bata, pero si kuya tuloy pa rin sa pakikipagtawag di niya ba nahalata na umalis ang batang kasama niya? Tumayo ako sa pagkakaupo at hinanap ng tingin ang bata, imposible namang bigla na lang naglaho. Ano iyon teleportation?

"Za anong tinigtignan mo?"

"wala dyan ka muna, magccr lang ako" pagsisinungaling ko, alam kong may gusto siyang sabihin pero dali dali na akong lumabas. Tumingin tingin pa ako sa paligid, nang nakita ko ang batang papatawid sa pedestrial lane, oh no!

Tumakbo ako palabas ng mall, ang daming sasakyan na dumadaan. Nakakahilo, jusme teka 'yong bata omg huwag ka munang tumawid huhu, di ka niya maririnig gaga sabi naman ng utak ko, nagdadalawang isip pa ako kong tatakbuhin ko ba ito. Nakita kong may paparating na sasakyan sa left side at ang bilis pa ng takbo nito, omg ang bata nagsimula nang tumawid.

Bahala na si superman

Tumakbo ako papalapit doon sa bata at mabilis itong kinarga, nawalan ako ng balanse at nagpagulong gulong kami sa semento, mahipit ko itong niyakap hanggang sa marinig kong nagumpisang magkagulo ang paligid, ang hapdi ng kamay ko ansakit din ng likod ko.

"hala ang mga bata!"

"tumawag kayo ng ambulansiya dali"

"anong nangyari?"

"jusqo zara!" narinig ko ang boses ni bff, ramdam ko  rin ang pagbigat ng talukap ng mata ko at parang umiikot din ang paningin ko hanggang sa unti unti naging madilim lahat ng paligid.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon