Chapter 51
Next stop namin ay sa mga jewelries naman. Sabi ko sa sarili ko kanina na kong may makita akong keychain iyon na lang ang bibilhin ko pero putragis wala at ang mga sing sing, necklace, bracelet ay hindi bababa sa 100 dollar ang presyo.
Lalapit na sana ako kay Klayon para sabihin na sa ibang stall naman ng jewelries pero abala ito sa pagtingin ng mga sing sing. Si zie naman ay nakaupo roon sa maliit na sofa at nakatutok sa cellphone, abala siguro ito sa paglalaro.
Inabala ko naman ang sarili sa pagtingin tingin sa mga aritos at hindi ako makapaniwala dahil nakakita ako ng 50 dollar, dalawang pares. Rose gold ang mga ito at sobrang kumikintab ang rose na nasa ibabaw niya.
"Ang cute" sabi ko.
"Then lets take that" napaigtad ako sa gulat dahil sa boses ni Klayon.
"Iyan lang ba ang kukunin mo? What about this?" kinuha niya ang jade bracelet na nakalagay sa loob ng salamin. "And this" natulala ako. "What about this?" itinuro niya ang dalawang pares ng diamond earrings.
"Ah eh, huwag na"
"I insist" nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at sinundan siya sa cashier.
"15,000 dollar all in all Sir"
"What?!" sigaw ko, napaatras naman ang babaeng nasa harapan namin ni Klayon dahil sa sigaw ko. "Klayon, anong 1-15 thousand d-dollar?" tumawa lang ito na parang wala lang sa kanya ang nangyari pagkatapos ay ginulo ang buhok ko.
Bagsak ang balikat ko habang naglalakad kami nila Klayon, sabi ko kasi sa sarili ko dapat gasto ko ang bibilhin ko para kila mama at papa. Tapos ngayon si Klayon ang nagbabayad lahat.
"Tita Azra, you look pale" sambit ni Zie. Dahilan para mapahinto kaming tatlo sa paglalakad.
"Ah e siguro naiihi lang ako haha"
"Then you should go pee then, you know it's not good for the health kapag tinitiis mo ang pag-ihi"
"Oo nga baby Zie noh, wait niyo ko ha" tumango ito. Pilit kong iniiwasan ang titig na ibinibigay sa akin ni Klayon pero this time ay nahuli niya ako. Seryoso itong titig na titig sa mata ko kaya tumalikod na ako bago pa mamuo ang luha sa mata ko. Mabigat ang bawat hakbang kong naglakad sa females toilet at isinara ito.
Doon hindi ko na napigilan ang umiyak, bumuhos lahat ang luha ko, hindi ko alam king ilang minuto akong umiyak at nanatili sa loob ng cr pero ng paglabas ko ay bulto ni Klayon ang una kong nakita. Seryoso ang mata nito pero puni ng bahid nang pag-aalala.
"Why are you crying?"
Hindi ako nakaimik
"Azra, I'm confused. Zie is right. You look pale awhile ago, and now I'm so f-cking worried"
"Tell me what did I done wrong?" pili niya akong kinukumbinsi. Ayon namuo tuloy ang luha ko, mabilis niya akong ikinulong sa mga bisig niya at mahigpit na niyakap.
"What is it? You can tell me"
"Kasi Klayon, hindi ko lang napigilan ang sarili kong maging emosyonal. Dapat ako ang bumibili ng mga gamit na bibilhin ko pero nalulula ako sa presyo, tapos ikaw pa itong magbabayad–"
"Now I know, you felt ashamed again?"
"Nahihiya akong ikaw ang gumagastos ng lahat ng ito na dapat ako–"
Pinutol niya ako ako "Shh, Za I'm a man okay? Everything you're into I'm very responsible for it. I know what you want for us is to fair treat but for now I'm the one whose open that can able to provide you, you're still starting. Let me take care of everything first, after that if I'm complacent enough, I'll let you have the treat but for now let me take care of you and everything" hindi ko napigilan at napahagulgol sa balikat nito.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...