Chapter 39
Mamaya na matapos ang exam namin, kaya ngayon todo ang saya ko. Abala ako sa pag-aayos ng kama ko ng biglang pumasok si mama.
"Anak pwede ba kitang makausap?" tinapos ko muna ang pagtutupi at hinarap ito.
"Good morning ma! Hehe pwede po" nauna siyang naupo sa maliit kong couch at tumabi naman ako sa kanya.
"Anak, kilala mo ba ang matandang babae na iyon?"
"Hindi mama, pero nakilala ko siya sa mall. Bali nagkabunggo kami at nagpakilala siya sa akin" hindi ko pwedeng sabihin kay mama ang nangyari noon sa mall. Na niligtas ko ang matandang babaeng iyon sa magnanakaw ng bag niya.
Yumuko ito at hinawakan ang kamay ko at pinisil pisil pa ito.
"Ang matandang babaeng iyon anak, siya ang ina ko" umawang ang labi ko. Ang matandang babaeng iyon na aking tinulungan ay lola ko? Hindi na napigilan ni mama ang umiyak at humagulgol sa tabi ko. Mahigpit ko itong niyakap "Mama?"
"Sorry anak" sabi niya at patuloy pa rin ang pag-iyak.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya hindi ko lubos maisip na magkikita kami ng dahil saiyo, wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanila ang buhay ko noon, dahil sa takot ko lumayo kami ng ama mo at pinutol ko lahat ng connection ko sa kanila"
"Mama, shhh naintindihan ko. Ma huwag ka ng umiyak"
"Gusto kong humingi ng kapatawaran dahil ipinagkaiit ko sainyo na makilala ang lola at lolo niyo" hindi ko na rin mapigilan ang umiyak. Hindi ko masisisi si mama alam ko kong ano ang mga pinagdaan niya at sakripisyo niya noon sila ni papa.
"Gusto ng lola niyo na tumira muna kayo sa bahay niya. Only for one week, iyon ang gusto niyang mangyari"
"Hindi po ako tutol mama, okay lang po sa akin. Masaya rin po ako na nakilala ko siya at tumira sa bahay niya" ngumiti si mama
"I'm happy to have a daughter like you Za, you're always kind"
"Mama naman, alam ko na po iyan matagal na. Gusto ko rin po makilala pa ng lubusan ang grandparents ko" hinawakan ni mama ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"Thank you" tumango lang ako at muling niyakap si mama. Hindi ko rin inaasahan ang pagpasok nila kuya at papa sa kwarto ko.
"Aww, emote lang?" sabi ni Kuya.
"Hay nako lumapit nga kayo rito" lumapit naman si Kuya at papa sa amin at ano pa ba edi nagyakapan kaming apat. Masaya ako, dahil lahat ng nga nangyari noon sa pagitan ng magulang ko at grandparents ko ay nabigyan ng kasagutan at kaliwanagan.
Nakita ko ang pagkindat sa akin ni kuya. Ngitian ko lang siya at nagthumbs-up.
"Azra! Bumalik ka nga rito!" sigaw sa akin ni josefa habang hinahabol ako sa pagtakbo.
"Akin na kasi 'to!" sigaw ko sa kanya pabalik.
"Hindi nga pwede! Ang tigas ng ulo mo!"
Hawak ko kasi ngayon ang pinakaingat-ingatan niyang ballpen. Huminto ako sa pagtakbo at pati rin sya at ngayon ay pareho kaming hingal pareho.
Lumapit siya sa akin at kinutusan ako sa noo "Bwisit ka! May pahabol ka pa kasing nalalaman"
"Sorry! Pero akin na kasi ito. Papalitan ko ng lipstick" nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.
"Talaga? Gusto ko iyong dior na lipstick" aba! Demanding lang!
"Sige, bukas mo na sa akin kukunin. Hindi ko bitbit ngayon" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...
![Always You [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/316227750-64-k208114.jpg)