C h a p t e r 26

29 2 0
                                        

Chapter 26

Unti unti kong minulat ang mata ko at bigla akong napabalikwas ng bangon nang maalala ko si Klayon, dahan dahan kong inusog ang ulo ko at sinilip siya, pero ro'n na lang ang pagdismaya ko ng wala na ang higaan niya sa sahig.

Nakaayos na rin lahat ng mga ginamit niyang kumot sa couch.

Umuwi na ba siya?

Mabigat ang pakiramdam kong bumangon at pumunta sa banyo para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso ako sa hagdan at sinilip ang kusina nagbabasakaling nandoon pa siya pero ni anino niya ay wala akong nakita.

Bigla tuloy gusto kong maiyak, hindi ko alam since bata pa ako kahit na maliliit na bagay iniiyakan ko, ayaw ko ng ganito iyong umaalis ng hindi nagpapaalam.

Pwede naman niya akong gisingin kong aalis kong uuwi na siya. Ang pangit lang kasi ng pakiramdam ng ganito iyong inaasahan mo sa umaga ay wala.

Nanlulumo akong naupo sa couch.

Malalim akong huminga at hindi ko namalayan na unti unti na palang bumuhos ang luha ko. Nang bigla marinig kong may pumihit sa doorknob kaya napatingin ako rito.

"Klayon?" mahinang ani ko at tumayo.

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya ang dating nakangiting pumasok ay napalitan ng pag-aalala at pagtataka. Tumakbo ako papalapit sa kanya at walang pakundangang niyakap siya ng mahigpit.

"What's the matter, love?"

"Akala ko umuwi ka na. Saan ka ba nanggaling ha?" tanong ko habang humihikbi sa dibdib niya. Hinaplos niya ang likod ko at hinalikan ang buhok. Patuloy pa rin akong umiiyak at nakakapit sa kanya.

"Hush now, I'm sorry okay? There's no bread on the fridge that's why lumabas ako para bumili" paliwanag niya.

"You thought I left you? That would never happen. I didn't bother to wake you up for you to gain more nap" umiling ako.

"Pero sana ginising mo ako, ayoko ng gano'n Klayon, ayaw ko" sabi ko sinubsob ang ulo sa kanyang dibdib na parang bata.

"I'm so sorry, hush now. That won't happen again, love" paumanhin niya na parang nakagawa ng malaking kasalanan.

Tumango ako at humiwalay sa kanya, kita ko pa rin sa mukha niya ang labi na pag-aalala. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi, pero mabilis lang iyon. Dahilan para mabigla ako.

"That would be my morning kiss. Good Morning pookie bear" sabi niya at hinawakan ang kamay ko at iginaya ako sa kusina.

Pinanghila niya ako ng upuan at inilapag ang tinapay na binili niya. Mamon! Favorite ko iyan hehe.

Pinagmamasdan ko siya mula sa likuran dahil abala siya sa pagtimpla ng kape. Hindi ko maiwasang mapaisip, nag-e-exercise ba ito araw araw? Ang ganda kasi ng katawan niya, meron siyang broad shoulder––

"Staring at me? Love" sabi niya kaya umiwas ako ng tingin at kumuha ng mamon at kinain.

"Here" nilatag niya ang isang tasang tinimpla niyang gatas sa harap ko.

"Ba't gatas?" tanong ko. Tumingin lang siya akin at pinagmasdan ang itsura ko, baka mamaya may laway pala ako sa gilid.

"You're on period love, coffee is not better for you" oo nga pala no.

"You really like mamon a lot, you didn't change. Still my azra" pagkasabi niya no'n ay tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

"Paano mo nalaman na paborito ko ito?" tanong ko.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon