C h a p t e r 47

43 2 0
                                    

Chapter 47

Dito sa Tagaytay namin naisipan na magcelebrate. Kaya kanina ng matapos na ang graduation ay dumiretso na kaagad kami rito, kasama ang family ni Klayon. Kasama rin namin ngayon sina lolo at lola. Si Josefa, idinaraos nila ang selebrasyon sa mansyon nila sa QC.

Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Klayon kanina. Hindi ko pa rin maalis sa sistema ko ang kanyang halik, lalo na hindi ito nagbibiro sa kanyang sinabi tungkol sa kasal. Medyo nabigla lang kasi ako, hindi ko inaasahan na ganoon ang binitawan niyang salita.

Pagkatapos ng mga ito, babalik din siya sa states at ipagpapatuloy ang trabaho. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay suportahan siya. Kahit naman na labag din sa loob ko na umalis siya, hindi sapat na personal kong feelings ang humadlang sa kanya. Ang magandang gawin ko lang ay suportahan at hintayin siya.

"Is it cold out here" malalim akong bumuntong hininga at tumayo, pinagpagan ko ang pwet ko at hinarap siya. As usual nakakunot na naman ang maputing noo nito at seryoso ang kanyang mga tingin. Nakasuot ito ng kulay black na pajama at red na t-shirt.

"Concern ka na naman" nakangising sabi ko.

"I'm always concern you know, besides it's getting dark, you should be inside by now"

"Mamaya na gusto ko pang pagmasdan ang dagat isa pa wala rin naman akong gagawin sa loob, mamaya pang alas dyes ang kainan hehe"

"You really like the atmosphere of the beach do you?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako "Do you want our wedding to be held in here?"

"Ayoko!" nabigla ito sa sinabi ko. Ang kanyang mukha ay napalitan ng lungkot at pagkadismaya. Para akong piniga dahil sa nakikita ko ngayon, nasasaktan ako ng nakikita siyang ganito.

"Okay" tanging sagot niya at tinalikuran ako, teka. Kumunot ang noo ko. May mali ba sa sinabi ko? Tumakbo ako at hinabol ko siya, tinawag ko ang pangalan niya pero hindi ito lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Klayon naman!" tawag ko pero hindi pa rin ito tumigil at nagpatuloy sa paglalakad. "Klayon" sigaw ko, hindi ko napansin ang isang sanga ng kahoy dahilan para madapa ako at masubsob ang mukha ko sa buhangin.

"Aray" mahinang daing ko, napahawak ako sa mukha ko dahil sa hapdi ng bandang pisngi ko. "Sh-t!" rinig kong pagkakasabi niya. Umangat ako sa ere dahil sa pagbitbit sa akin ni Klayon, inilagay niya ako sa kanyang bisig at pumasok kami sa loob ng hotel. "I'm sorry, Za. I'm sorry. I'm sorry love" naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa noo ko kada segundo, hanggang sa pagpasok namin sa elevator ay hindi pa rin ito tumigil sa paghingi ng paumanhin.

Pagbukas ng elevator ay dumiretso na kami kaagad sa kwarto nito. Hindi ko alam kong paano niya nagawang buksan ang pinto pero ngayon sa isang iglap ay nakapasok na kami. Maingat niya akong ibinaba sa malambot na kama at umalis.

Bumalik siya na may dalang first aid kit. Mabilis siyang lumapit sa akin at marahang hinawakan ang pisngi ko. Hinay hinay lang ang pagtanggal niya ng mga kumapit na buhangin sa sugat ko gamit ang bulak, na ayaw niyang masaktan ako.

Pagkatapos noon ay nilagyan niya ng gamot ang bulak at idinampi iyon muli sa pisngi ko, ramdam ko ang hapdi nito pero sapat lang iyon para matiis ko ang sakit.

"Are you okay?" naamoy ko ang mabangong hininga nito. "Ayos lang, malayo naman sa bituka e" sagot ko. Naramdaman ko ang malamig na titig niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Still, I'm so sorry Za" doon na pumasok sa isip ko ang tanungin siya.

"Bakit ka nga pala biglang nagwalk-out kanina" tumulis ang panguso ko ng lumambot ang kanyang mukha.

"I'm sorry if I told you that early. I'm sorry if you feel pressure about the marriage. I'm sorry if I make you feel comfortable. I'm sorry if you think I'm in hurry. I'm really sorry Za"

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon