C h a p t e r 25

42 3 0
                                        

Chapter 25

Azra P.O.V

Walang tao sa bahay ngayon kundi ang magandang si ako tapos ito ako ngayon pa-scroll-scroll lang sa fb. Katatapos ko lang kumain kanina, maaga akong nagluto kasi maaga ako ngayon na matulog, imagine ilang araw na akong walang maayos na tulog kaya anlaki na ng eyebag ko.

Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig ng biglang tumunog cellphone ko at nagpop out sa messages ang pangalan ni klayon. Kumunot ang noo ko.

Mabilis ko namang tinignan at nanlaki ang mata ko ng mabasa ang message niya.

'Here Infront of your door' iyan ang sinabi niya kaya nanlaki ang mata ko at dali daling tumayo at bubuksan ko na sana ito ng mapaisip ako, paano kong hindi si Klayon ang nagmessage? Paano kong nahack number niya at ibang tao pala ito?

Isa pa magkasama kami ni klayon kanina pero wala siyang binanggit na pupunta siya rito?

Pero paano kong siya nga? Umiling ako, paano kong hindi, sabi naman ng utak ko. Mahirap na baka sa pagbukas ko ng pinto ay baril na ang nasa ulo ko. Wahhh hindi pwede!

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at minessage ang nagpapanggap na klayon. May naisip na akong ideya para makompirma kong siya nga si Klayon.

'Saan ka galing' iyan ang tanong ko 'Anong pangalan ng bunsong kapatid mo na si ungas?'

'From our house Za'

'wait are you interrogating me?'

'who's ungas? Do you mean Zynon'?

Iyan ang mga message niya pero juicecoke ang hirap maniwala, paano kapag magaling iyong hacker tapos nalaman niya lahat ng mga impormasyon tungkol sa kanya?

Okay ito na talaga, last question.

'It so cold in here, are you busy?'

'Za pookiebear?'

Nanlaki ang mata ko ng tawagin niya akong pookiebear, wahh si Klayon nga!

Bigla akong humarurot ng takbo papunta sa pinto dali dali itong binuksan at tumambad sa akin ang nilalamig na mukha ni klayon.

"Hala, pasok ka! Omg sorry huhu" sabi ko at inalalayan siya sa pagpasok, naupo siya sa sofa at nagtatakang napatingin sa akin

"Why are you so late to opened the door, hmm?" tanong niya, napakamot ako sa ulo ko at nag-aalinlangang sagutin ang tanong niya.

"Za?" sabi niya at hinihintay ang sagot ko.

"Also why you sudden asked a question?"

"Akala ko kasi hindi ikaw, na-overthink na naman kasi ako. Akala ko kasi na hacked ang cellphone mo pero nang tinawag mo akong pookiebear dahil ikaw lang naman ang tumatawag sa akin noon, alam ko na na ikaw talaga iyon" alinlangan kong sabi at hindi makatingin ng diretso kanyang mata.

"Is that so? You're so tough and smart to think that I'm not Klayon HAHAHA" napataas ang gilid ng labi ko dahil sa tawa niya, nakakatawa kaya iyon? Pero oo nga no, smart naman talaga ako pagdating sa gano'n bagay, para akong naging confident sa sarili ko gaya ng isang batang babae na pinuri.

Tumikhim ako "Ano nga palang ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"I'm afraid that you're having a hard time dealing with your menstruational cramps, that's why I came here to check you out"

"Gano'n ba, hehe. Ang advance mo namang mag-isip, wala pa–" bigla akong nakaramdam ng pangangalay ng likod ko at medyo pagsakit ng puson. Mariin akong huminga at dahan dahang naupo, mabilis namang lumapit sa akin si Klayon at inalalayan ako sa bawat galaw ko.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon