C h a p t e r 35

35 2 0
                                    

Chapter 35


Nasa taas si Klayon naliligo, nandito naman ako sa kusina at nagkakape. Nagtataka ako ni isang anino ni Zynon wala akong nakita kanina. Nagkulong ba ito sa kwarto niya?

Nasa sahig ang atensyon ko ng may biglang lumitaw na dalawang kulay red na sandal kaya napaangat ako ng tingin.

"Can we talk?" nakangiting saad niya, pero parang may mali sa ipinapakita niyang ngiti sa akin.

"Sige ba" sabi ko. Tumango lang ito at nauna ng naglakad paalis.

Tumayo naman ako at sinundan siya, nagtungo kami sa may bandang  pool at doon siya naupo, may dalawang upuan naman na nakalagay sa gilid.  Sumunod naman ako "Ano nga palang pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Klayon?" tumango ako sa tanong niya.

"Kong ganon alam mo ba na graduate siya bilang isang cum laude sa States, everyone envy him for having a high IQ. I met him two years ago, matagal ng magkakilala ang parents namin, and I won't lie to you. I like Klayon since then until now" nabigla ako sa sinabi niya pero nanatili akong tahimik.

"I think when Klayon inherited everything and become a CEO, he needs someone to support his back in handling a big corporation, and you should realize that in the first place, are you even compatible?" nang-uuyam sa sabi niya nawalan ako ng imik pero alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. Binigyan ko lang siya ng kampanteng ngiti. Kumukulo ang dugo ko sa babaeng ito.

"I don't know what you mean about everything you said however compatible or not  our relationship still has nothing to do with such a businesses" natigilan ito sa sinabi ko.

"I know Klayon, he's my childhood bestfriend 20 year until now and still counting. Kong gusto mo siya, then you should stop it now. Meron na siyang girlfriend at ako iyon, at kahit na ano pang sabihin mo to destroy our relationship, that won't happen and it will never going to be happen Iyana" tumayo ako,  at seryoso siyang binigyan ng tingin.

Tumalikod na ako at magsimula na sanang maglakad ng may maalala ako "Don't even try to destroy our relationship. Hinding hindi ako papayag" matigas na sabi ko at naglakad na palayo. Sobrang lakas pala ng pintig ng puso ko, hindi ko namalayan na sinabi ang mga ganoong salita.

Napakawala akong ng hininga sa hangin at bumalik sa loob. Pero ang ipinagtataka ko hindi ako nakaramdam ng awa at konsensiya sa kanya. Na dati noon kapag nakikipag-away ako nafefeel ko talaga iyong guilt pero ngayon wala akong maramdamang awa, kahit konti.

Sa sinabi niya alam ko kong anong gusto niyang ipaalam sa akin pero hindi ako ganon kababaw para bitawan ang relasyon namin ni Klayon.

Nakita kong pababa si Klayon dito, hawak hawak ang tuwalya at pinupunasan ang kanyang buhok.

Hinintay ko siyang makababa, may tatanungin ako sa kanya.

"Hey Pookiebear" bati niya sa akin.

"Aware ka ba na gusto ka ni Iyana?" dire-diretsong tanong ko pero wala man lang siyang naging reaksiyon.

"No I don't, why that sudden question? Tell me what did she told you" ako ngayon ang nawalan ng imik. Kahit papaano ay gusto kong maging bukas kami sa isa't isa.

"Kasi sabi niya 'I think when Klayon inherited everything and become a CEO, he needs someone to support his back in handling a big corporation, and you should realize that in the first place, are you even qualified?" habol ko ang hininga ko ng sabihin ko iyon, talagang memorize ko pa talaga. Hinding hindi ko makakalimutin ang mga katagang sinabi niyang iyon.

Lumapit siya sa akin iyong eight inch na lang ang pagitan namin.

"Whatever she says, it doesn't matter. All you need to believe is me, Za. Ako lang" pumikit ako at dinama ang pagdampi ng labi niya sa akin. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at hinalikan siya pabalik.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon