C h a p t e r 38

26 3 0
                                    

Chapter 38

Sa mga oras na ito ay nakatulala pa rin ako ar nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko pa rin maproseso ang mga narinig ko kanina. Ang matandang tinulungan ko pala ay ang matagal ko ng hinahanap, ang pangungulila ko sa isang lola noon, pero ngayon hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.

"Azra?" tawag sa akin ni josefa, hindi ko ba alam bakit nandito ito sa bahay. Kanina pa kami nagkwekwentuhan at ang topic namin ay about subject teacher namin. Hindi ko pa sa kanya nasabi ang nangyari kanina, mas mabuting kami muna ang nakakaalam ng pamilya ko. Sasabihin ko na lang kapag maayos na ang lahat.

"Tumanganga yan?" bagot ko itong binalingan ng tingin at uminom ng juice. Nandito kami sa veranda ng kwarto ko at tanaw namin ang papalubog ng araw. Dito rin ang pinakapaborito kong part ng kwarto ko kapag gusto kong mapag-isa.

"Josefa, may tatanungin ako. I mean what if lang huh, walang seryosohan"

"Beh! Mukhang naintense ako huh!"

"Tss, ganito kasi iyan paano kong iyong lola mo na matagal mo nang hinahanap ay nakita mo na pagkatapos, nalaman nito kong saan kayo nakatira"

"Oh tapos?" malakas ko siyang sinampal sa balikat dahil sa nang-iinis nitong reaksyon.

"Josefa naman! Seryoso nga kasi!"

"Alam ko Azra! Nanggigigil ako saiyo! Bitin naman kasi ang istorya mo" tumigil ako ng konti at napaisip ako.

"Bitin ba? E basta, ano ang pwedeng maramdaman mo?"

"Common Sense naman Azra! Syempre saya at pangungulila"

"Tama ka" sabi ko

"Bakit?" tanong niya.

"Wala naman"

"Sus"

Akala ko mamasyal si Josefa rito, pero hindi pala, dito rin siya matutulog ngayong gabi! Tss sarap iuntog nito sa sofa, sa totoo lang.

"Bakit sobrang sama mo makatingin?" tanong nito habang abala sa paglagay ng comforter sa sahig, oo diyan siya matutulog. Kahit naman sabihing lalaki ang habol niya hindi parin siya pwedeng makitulog katabi ko. Isa pa mas gugustuhin niya rin na matulog sa isang malapad na comforter kaysa makatabi rin ako.

"Gaga! Nasaan na ang mga make-up kit mo?"

"Nasa drawer" bagot kong sagot dahil inaantok na rin ako.

"Anong drawer, e maraming ka kayang drawer dito"

"Kulay brown sa second na drawer. Josefa 'di ka pa ba dinadalaw ng antok?"

"Mamaya na, oh ito pala. Sige matulog ka na"

"Goodnight bessy"

"Night night" pero bago ko isara ang mga precious kong mata biglang nagring ang phone ko.

Inis ko itong kinapa sa table at sinagot "Hello sino to?" walang gana kong tanong, inaantok na talaga ako.

"Your husband"

"Wala pa po akong asawa ha, pero boyfriend meron. Wrong number ka yata Sir"

"Za" 

"Klayon?" mult kong tinignan ang caller at nakalagay doon ang pangalan ni Klayon. Sorry naman po

"Yes, how are you? Did your exam goes well?"   sino ba namang hindi kikiligin to the bones kong ganito lang naman ang tatanungin niya! Pilit kong pinipigilan ang kilig ko dahil pero hindi iyon nakaligtas kay josefa at binato ako ng unan.

"Hoii gaga anong ginagawa mo, sinasapian ka na ata!" sigaw niya sa akin.

"Manahimik ka nga!"

"Is that Josef?" nakalimutan kong kausap ko pala ang boyfriend ko hihi!

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon