Chapter 52
Mabilis ang panahon, hindi mo aakalaing nasa punto ka na pala ng hindi mo inaasahan. Mahigit isang na ang nakalipas since umuwi ako galing America, ihinatid ako rito ni Klayon pero kinabukasan din ay bumalik din ito sa L.A.
Pero bago lahat ng iyon ay may iniwan itong isang malaking puting box. Sabi pa niya basahin ko raw ito kapag nabobored ako at ang laman lang naman nito ay mga puting envelope na may iba't ibang liham sa loob nito.
Iyong ibang sulat niya halatang noong bata pa niya isinulat ito, napapatawa ako gayon din na naluluha ako dahil sa ibang liham niya. Isa rito ang ayaw daw sa kanya ng ibang batang kaklase at sana raw kasama niya ako roon.
Umiling ako at ibinalik ang atensyon sa pagguhit. Bilang isang architect ay dapat maayos lahat ng layout at saktong measurements ng bahay ay dapat pulido. Sa QC ang isa kong kliyente, gusto niya raw ng environment friendly na bahay at dapat daw sa front ng bahay ay kitang kita ang nature view nito.
Two story house itong gusto ng client, it's a bungalow house in short.
"Uyy Za ito kape" inilapag ni Josefa ang kape sa kaharap kong lamesa. Naupo ito at pinagmasdan ako "Ayos ka rin noh, hindi ka pa tapos ang final board exam e may kliyente kana agad"
"Kaya nga tinawag akong intern noh, kahit naman hindi pa ako tapos sa final examination e may experience naman ako"
"Sabagay"
Napangiti ako ng suot ni Josefa ang bracelet ng binili ko sa L.A. Ako talaga ang bumili niyan, pikit mata ko itong binayaran sa cashier noon, sabi pa nga ni Klayon siya magbabayad pero inunahan ko siya. Isa itong jade pina-customise ko pa ang pangalan ni Josefa rito at masaya naman ako kasi sobra pa sa inexpect ko dahil nagustuhan niya ito ng sobra.
"Isusuot ko bukas iyong bag" excited na sabi niya.
"Anong bag?"
"Hoii gaga ka iyong binigay mong nanggaling L.A, ano to amnesia?"
"Ito naman nawala lang saglit sa isip ko e"
Mariin itong bumuntong hininga at nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko "Gusto ko sanang magpaalam" itinigil ko ang pagguhit, inayos ko ang pagkakaupo ko at nagtatakang tinapunan siya ng tingin "Bakit saan ka pupunta?" hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot.
"Next week na ang byahe ko papuntang Canada, doon ako magtatrabaho at sisimulan ang–
"Pero paano ang board exam mo?"
"Babalik din ako para mag-exam pero babalik din ako kaagad sa Canada"
"Bakit ka ba kasi pupunta roon?" nanghihinayang kong sambi.
Huminga ito ng malalim at ngumiti "Alam mo naman na ako ang nag-iisang anak 'di ba? tumango ako "Kailangan kong ipagpatuloy ang isang business namin doon at tulungan si daddy, alam mo naman na ako lang ang nakayanan nilang buoin" kahit na alam kong dinadaan niya ito sa biro para mapatawa ako hindi ko pa rin mapigilan ang maging emosyonal.
"Gaga, alam kong mamimiss mo ako kaya nga every weekend uuwi ako at bibisitahin kita"
"Dapat lang" biglang sumikip ang dibdib ko kusang tumulo ang luha ko at niyakap bigla si Josefa.
"Aii bwisit ka ba't bigla ka nalang yumayakap! Nashock aketch!" hindi ko siya pinakinggan at patuloy lang ang pag-agos ng luha ko.
"Tahan na, dapat good news iyon e. Ba't umiiyak ka?"
"Anong good news!?" sigaw ko. Pinaningkitan ko ang mata ko at hinampas siya
"Ito naman joke lang, makahampas ka!"
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...
![Always You [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/316227750-64-k208114.jpg)