C h a p t e r 40

57 4 7
                                        

Chapter 40

Azra P.O.V

"Ilang story ba ang building mo?" tanong ko mga 5 minutes na kasi kami dito sa elevator hindi pa rin kami nakakarating sa taas.

"50-60 I guess?" sabi niya at nagkibit-balikat, so hindi siya sure?

"Wow huh!" medyo nabigla ako kaya napaatras ako ng konti.

"Grabe ang yaman mo pala, 'di ako makapaniwala na saiyo pala ang building na ito" 

"This is our building, it's also yours"

"Wala naman akong ambag dito hehe, isa pa ikaw kaya nagpatayo rito. Pero seryoso, proud ako saiyo" sabi ko at nagthumbs-up sa kanya.

"What is mine is already yours, Za"

Nakatunganga lang ako dahil sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Ang ginawa ko na lang ay tumango at nanahimik pero deep inside of my precious heart, kinikilig ako!

Pagkabukas ng elevator ay nauna siyang nalakad palabas pero hawak niya pa rin ang kamay ko.

Naglakad kami ng konti at kumaliwa, alam niyo iyong ulo ko na kanina pa umiikot at hindi maalis ang tingin sa paligid dahil do'n hindi ko rin namalayan na huminto kami ni Klayon sa harap ng isang pinto.

"Gusto mo bang pasukan ng langaw iyang bibig mo?" doon lang ako natauhan sa boses ni Klayon. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya "Kidding''

"By any chance, I want to tell you how much you mean to me. Every second, every hour, everyday in this world. It will always be you, no one else's" titig na titig lang siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

"I wasn't afraid to risk everything for you. I will do everything to you, please no matter what happen in the future, don't surrender our relationship, okay" nabigla ako ng may luha ng namumuo sa mata niya. Hindi niya inalis ang tingin sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya "Hinding hindi iyon mangyayari"

Mablis niya akong hinapit at ikinulong sa mga bisig niya "Happy monthsary, love" pagkabulong niya roon sa tenga ko ay hindi napigilang maiyak. Hindi ko na kinaya at mas mahigpit ko pa siyang niyakap. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, sobrang lakas ng iyak ko. Mabuti na lang walang ibang tao rito kundi kami lang dalawa.

"Shh it's okay"

"Klayon bakit ganon, hindi mo sinabi sa akin" sabi ko at patuloy pa rin sa paghikbi.

"I prefer not to tell you, it wasn't a surprise anymore"

"Nang dahil sa busy ko sa acads hindi ko na namalayan"

"Don't say that, I understand. I'm the most available and free to do everything right now,  and it's really worth it." naramdaman ko naman ang paglapat ng bibig niya sa noo ko.

Nabigla ako dahil sa pagbukas ng pinto at lumabas si Josefa na iritado ang mukha "Bakit antagal naman nila– oh! Nandito  naman pala kayo" pagkatapos nanlaki ang mata niya at dali daling pumasok sa loob at isinara ulit ang pinto.

"Don't be confused love, I called him to help me here cause I don't know what could be a monthsary event look like. I did search in the internet but nothing had caught my attention about the designs. It's pretty hard though however it's amazing" natawa ako sa sagot niya.

"Now let's get inside?" tumango ako

"Excited na'ko hihi" ani ko.

"I know" binuksan niya ang pinto at pumasok kami, literal na ngumanga ang bibig ko dahil sa ganda! Sobrang colorful lahat! Tapos may nakasabit pang letter sa itaas na nakasulat na happy monthsary.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon