C h a p t e r 4

105 9 0
                                    

Chapter 4

"Never" sabi niya

"Huh?" nagtatakang tanong ko

"Cause your not an icecream" sinimangutan ko lang siya at ibinalik ang tingin ko sa aking lamesa, di niya nagets? logic kaya ang sinabi ko

Pasimple kong tinignan si Bff, nakatingin din pala ito sa akin. Ngumisi ito at itinuro ang katabi ko, inismiran ko lang bago umiwas ng tingin.

"Alam kong maganda ako" sabi ko sabay flip hair.

Muli kong tinignan ang katabi ko, at saktong nagkatinginan kaming dalawa, ngayon ko lang pansin brown ang mga mata niya. Ang ganda lang. Tinitigan ko siyang mabuti, ayaw paawat ah. Gaya ng ginawa ko kay bff, dumuling ako at boom! Napaiwas siya ng tingin hahaha, ako pa noon kaya sa piesta namin ako ang nananalo sa titigan challenge, syempre di lang titigan pinapangit ko pa ang mukha ko para lang matalo ang kalaban.

Isa pa hindi naman iyon pandaraya, wala naman  silang sinabing rules e.. Galing ko noh.

Lumapit ako sa kanya at itinuro ang dapat niyang basahin "Iyong page 45 hanggang 60 mas importante 'yon"  jusme ang bango niya talaga

"Pwede magtanong, anong gamit mong perfume?" parang close lang teh? Kapal ah.

"versace" maikling sabi niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa, ngayon lang ako nakarinig ng ganyang pangalan na perfume. Kinuha ko ang sa bag ko ang cellphone ko at palihim na ni-search ang versace perfume.

'Versace perfume is one of the expensive perfume most to buy, it will cost 46 dollars in one bottle' nanlaki ang mata ko dahil ang 46 dollar ay equivalent to 2,339.29 in philippine money, huwag na lang naghihirap nga akong mag-ipon ng 2000 tapos pangbibili ko lang ng perfume? Madali pang maubos.

Napakamot ako ng ulo ko, at muling ibinaling ang tingin kay klayon, doon ko lang napansin ang kanyang makapal na kilay samahan ng kanyang matangos na ilong kahit na nakamask kitang kita, nagtataka ako kong bakit hindi ipinatanggal ni Ma'am sa kanya ang sobrero at mask niya kasi bawal ito sa loob ng classroom. Ano iyon favoritism?

Meron siyang maputing balat, hindi ba 'to lumalabas sa bahay nila? "your staring" ani niya pero nasa libro ang paningin nito

"Alam ko" simpleng sabi ko at isinandal ang ulo ko sa table habang nakatingin pa rin sa kanya, inaantok tuloy ako.

BREak time na namin kaya nagtungo kami ni bff sa Cafeteria. Hindi nga makapaniwala na nakatabi ko si Klayon, kanina pa tili ng tili. "di ka talaga updated ikaw bruhilda ka, di mo ba talaga kilala si klayon?" tanong niya sa akin

"Hindi bakit sino ba siya?" sabi ko habang sumisip-sip ng juice

"wala ka nga talagang alam noh, his family holds a biggest share dito sa University natin" nanatili akong tahimik

"Kaya ganon nalang ang pagrespeto ng karamihan sa kanya rito, di mo ba alam na dito rin nag-aaral ang kanyang nakababatang kapatid? Swerte nga ang school natin e, dahil marami ang gustong University na maginvest sa company nila"  tango lang ang naisagot ko, bakit wala akong kaalam alam sa mga 'yon? Infairness ang yaman nila. Wala akong masabi.

Si Klayon pansin ko lang hindi palasalita, kanina kasi nauna siyang lumabas.

"Eto pa ang isang goodnews ko, wala raw siyang girlfriend hihi, may chance na maging kami" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, ang taas naman mangarap ng isang to. Sila agad? Wow

''nabalitaan niyo ba? Next week will be the contest of basketball at pupunta dito ang west university to compete" rinig kong sabi sa kabilang table, kumunot ang noo ko at kinalabit si bff.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon