C h a p t e r 49

43 2 0
                                    

Chapter 49

"Welcome to United States of America, make your self comfortable as we are now arriving at  Los Angeles International Airport"

.......
1:20 pm

"Klayon! Ang ganda rito sa bahay mo!" sigaw ko with matching talon pa! Ang laki ng bahay niya rito sa America! Pure white mansion tapos may malaki pa itong gate na bakal na pati magnanakaw ay mahihirapan akyatin.

May mga naglalakihang bakod din na nakapaligid sa bakuran ng mansion. Tapos pagpasok namin sa gitna kanina may malaking fountain na semento.

"Nganga talaga ako ngayon" hindi makapaniwalang sabi ko kay Klayon.

"This is yours too okay? Everything I have is also yours, tss" medyo nahiya ako dahil sa sinabi niya kaya napaatras ako ng konti at kusang nagtakip ng bibig.

"Tss, lets go inside" siya na ang nanghila.sa akin papasok sa loob at ang ikinabigla ko pa ay bumukas ng kusa ang malaking pinto. Pagpasok namin ay sinilip ko kong mayroong nagbukas na mga tao o humila sa pinto pero wala!

"That's automatic, okay?"

"So pati ibang tao, kayang magbukas niyan. Paano kapag may pumasok na magnanakaw?"

"No one dares" nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at pagkuyom ng kamao niya. Hindi yata maganda ang sinabi ko. Napakamot ako ng ulo at tumikhim.

"Hehe, oo naman. Ang tatangkad ng bakod ng mansyon na ito e" medyo umatras ako kasi naiilang ako ngayon sa sitwasyon samahan pa ang sobrang tahimik na paligid, walang isang ingay manlang na umabot dito mula sa labas.

"Silly" humagikhik siya at kinuha ang kamay ko. Ngayon naman ang tingin nito ay literal na kakaiba, ramdam ko kasi sa peripheral vision ko ang mga titig niya makalunod.

"Don't be bother okay? Hindi naman ako galit" medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Pasensiya na Klayon, natatakot kasi akong baka may nagawa akong hindi mo nagustuhan" nakatingin ang paa ko sa puting tile dahil alam kong kapag inangat ko ang tingin ko ay diretsong mata niya mismo ang masisilayan ko.

Tumawa ito "Tss, Azra you're making me feel uncomfortable around you" lumapit siya sa akin at hinila ang kamay ko para malaya akong yakapin. "Don't be scared of me okay?"
umiling ako.

"Hindi naman ako takot saiyo Klayon, ang ikinatatakot ko lang ay baka ako ang maging dahilan para magalit ka at ayoko noon, minsan ko ng nasaksihan ang galit mo. Aalis ka at hindi manlang magsasalita, kong hindi pa kita sinuyo noon baka hindi mo talaga ako kakausapin"

"That's not true" sabi niya at abala sa paghaplos ng buhok ko.

"Huh?" tanging nasabi ko lang

"Pookie bear, how can I able not to talk to you in just one day. Knowing that I'll die if I don't even see, hear, touch or kiss you. That I want to finish work too early just to call you and stare at your face for the whole hour. Your presence is my biggest lost once I turn my back to you but don't worry I will never do that cause it will be the death of me" sobrang gaan ng boses niya.

"Klayon.." sobrang bilis ng tibok ng puso ko, na pati ako ay nabibingi rito.

"I can be mad but leaving you will be the biggest lost of me, understand?" masaya akong tumango. Inabot ko ang pisngi nito para sana halikan kaso nanlaki ang mata ko ng magtapo ang labi nito.

Pinakatitigan ko ito at nakangisi lang siya, masama ko siyang tinignan. Mas hinapit niya pa ako papalapit sa kanya at siniil ako ng malalim na halik.

Kumapit ako sa leeg nito at tumingkayad para medyo magpantay ang mukha. Minuto ang lumipas at siya ang unang pumutol ng halik. Dahan dahang naghiwalay ang mga labi namin, akala ko hahalikan pa niya ako muli pero ang hindi ko inaasahan ay kanyang labi ay dumampi sa pisngi ko.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon