Prologue
Lumihis ako ng daan at lumiko sa tahimik na parke, iniwasan ko ang mga nagra-rally sa daan na kung titingnan ay mga nasa mahigit dalawang pu't na tao.
Araw ng kalayaan ngayon ngunit kay gulo ng kalsada, nagdulot ng traffic kanina ang mga kabilaang nagpo-protesta ukol sa hustisyang pinatay daw kuno ng mayor.
Napabuntong hininga ako, hila ko ang maleta at hinahayaang tangayin ng hangin ang buhok ko. Kakauwi ko pa lang kahapon mula sa bansang riyad at eto'y wala pa akong matuluyan, natulog lamang ako sa stasyon ng train kagabi. Wala kasi akong kamag-anak dito sa manila dahil tubong bicol pa ako.
At kaya't nakauwi ako ng pilipinas ay tinulungan lamang ako ng kapwa ko pilipina, paano ba naman kasi. Hinampas ko ng walis ang boss ko sa biglang paghipo nito sa pang-upo ko, hindi iyon tama. Hindi rin sapat na dahilang amo ko siya at hindi ko ito papatulan.
Ang nangyari, dinemanda niya ako at binawi ng mga pulis ang passport ko dahil ilang buwan na akong nagtatago dahil expired na ang visa ko.
Mabuti na lang talaga at may magandang loob ang tumulong sa'kin.
Sa malaking gate ako huminto at doon ay sumilip ako, medyo pawisan ako dahil may kainitan na ang sinag ng araw.
Bumukas ang gate at lumabas doon ang matandang may dalang garbage bag, lumapit ako rito dahilan upang mapatingin siya sa'kin.
”Pwedi po ba akong humingi ng tubig?” kinapalan ko na ang mukha ko na halos pwedi ng ilampaso sa sahig, nauuhaw na kasi ako at bukod tanging isang daan na lamang ang natitira sa aking bulsa.
Titipirin ko iyon hangga sa makahanap ng trabaho, kaya't maglilimos muna ako ng tubig sa ginang na nakatingin sa'kin.
”Tubig kamo?” tumango ako, nagmaka-awa ang aking mga mata na sadyang nakaka-awa na kung titingnan, tila'y nahabag siya kaya't tumango ito.
”Halika, pumasok ka sa loob..” lumapad ang labi ko'ng nauuhaw na sa tubig, gusto ko ay malamig na tubig at sigurado akong nagyeyelo ang kanila.
Ang gara ng gate dahil kahit banggain ng truck ay hindi yata matitibag, ang marangyang hardin ay kumakaway sa akin at hindi ko maiwasang mangiti.
Ang rich naman ng nakatira dito.
”Sumunod ka sa'kin..” gaya ng sabi ni fairy white hair mother ay sumunod ako sa kanyang lakad, ang mata ko'y kumikislap sa marmol na sahig at maaari ka ng ngumiti at magsalamin. Ang hagdan ay makintab, ang daming vase na tila'y malaki pa sa'kin.
Pumasok kami sa kusina, ang lawak at halos kasing laki lang ng bahay sa probinsya, sana may ganitong kusina rin ako. Ngunit ultimong tsinelas ko ay hindi pares, paano pa ako mangangarap ng ganitong kusina?
”Heto ang tubig..” nakangiti ko'ng kinuha ang inabot niyang baso sa'kin, inilapag nito ang babasaging pitchel sa lamesa kaya't ng kumulang ang isang baso ay muli akong nagsalin.
”Pahingi pa po..”
”Sige, hija. Libre lang naman ang tubig..”
”Talaga po, maaari ko itong dalhin?”
”Pwedi naman, bibigyan kita ng garapon..” nakangiti ako kay fairy god mother habang naghahanap ito ng malalagyan ko'ng tubig. Ngunit habang abala siya sa paghahanap ay may teleponong natunog sa labas ng sala.
Naalintana ang paghahanap niya, tumayo ito bago ako lingunin.
”Sasagutin ko lang ang tawag, hintayin mo ako dito..” tumango ako, naka-apat na baso akong tubig habang nakatayo malapit sa babasaging lamesa, maaari ka na rin magsalamin dahil bongga talaga ang bahay.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...