Personal Maid

1.4K 30 1
                                    

Chapter 3

Cordaphia Pov.

Tulala pa rin ako sa lalakeng nasa harapan ko, kinakabahan na parang maiihi na. Ngunit siya'y wala pa rin reaksyon, nakatingin lang sa'kin ng diretso bago magbaba ng tingin sa mga papel na nasa mesa.

”Are you still remember me?” nakakapanindig balahibo ang kanyang tinig, nanunuyo ang lalamunan ko habang hindi makasagot. ”You leave me yesterday without goodbyes, yaya..” bahagyang umawang ang aking labi, kumukurap at bukod tanging nakatitig sa kanya ang mga mata ko.

”Are you mute?”

”H-huh?” nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko, bigla yatang nawalan ng pasensya dahil kanina pa ako nawawalan ng imik.

”What's your name?” muli ay hindi ko alam ang sasabihin, nag-aalinlangan sa pagsabi ng totoo kaya't bigla ko'ng binawasan ang aking pangalan.

”D-daphia..”

”Okay, daphia. From now own, I hired you as my personal maid..”

Namilog ng literal ang aking mata, hindi makapaniwala sa kanyang tinuran at magiging papel ko sa buhay niya.

”You have a capability to find my favorite longsleeve, i like you..”

”You like me?” himala na hindi ako nautal sa tanong ko, hindi rin naman ako bingi para hindi marinig ng klaro ang sinabi niya.

I like you daw ani ni king of cobra.

”I like you as my yaya..” tumayo siya matapos sabihin iyon, napapanguso ako sa kaseryosohan niya at animo'y yelo kung
magsalita.

Nilalamig ako from talampakan to bumbunan, idagdag mo pa na tinatambol ng malakas ang dibdib ko lalo na ng lumapit siya sa'kin.

Hindi ko alam na kapre pala siya sa tangkad, kulang na lang ay tabacco para maging kapre na sa acacia.

”Come with me..” lumakad siya palabas ng opisina, hindi na ako nilingon at dire-diretso ng lumisan. Napalunok ako, saan siya pupunta?

Sumunod ako sa kanya palabas ng opisina, tanaw ko ang likuran nito na papasok ng elevator kaya't nagmadali akong tumakbo upang habulin siya.

”T-teka l-lang c-cobra, Ay este. s-sir..” nauutal ako ng makapasok sa elevator, may pinindot siya doon kaya't sumara ang pinto. Umandar na rin iyon bago niya ako lingunin.

"What?”

”B-bakit ako ang kukunin mo?”

”As i've said, I like you as my maid..”

”P-per--”

”You don't need to defied my order..”

Natigilan akong napapalunok sa sariling laway, ang angas niya. Pwedi ng gawing kontrabida sa pelikula, nakakatakot at parang hahawakan ka niya sa leeg bigla.

”I will give the salary amount you wanted, how much do you want?”

Lumikha ng pabilog ang aking labi, tumaas ang kilay habang bahagyang natutuwa. Ibibigay niya ang nais ko'ng sweldo?

Kung sabagay, sa isang buwan na trabaho ko  ay kumikita ako ng kinse mil. Ang kuripot ng boss ko kahit all around ako sa bahay, at etong lalakeng 'to. Siguradong papagurin niya ako ng husto.

”Trenta mil sa isang buwan..”

”Okay, I fixed it on fifthy thousand a month..”

Laglag ang aking panga sa huling sinabi niya, hindi ko na nakuhang makapagsalita ng bumukas ang elevator at mauna siyang lumabas. Ngayon ko lang nakita na nasa ibaba na kami ng gusali, pero take a minute kapeng mainit. Yung puso ko naiwan yata sa tore dahil hindi na maayos ang paghinga ko.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now