Chapter 14
Cordaphia Pov.
Kakaiba ang dulot sa akin nitong titig ni seniorito. Kumakabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa atensyong ibinibigay niya sa akin.
Marahan ang paglalakad ko patungo sa kinatatayuan niya. Hindi niya inalis ang matang may paghanga na nakatingin sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay, naghihintay ito na ipatong ko ang aking kamay habang mariin pa rin ang titig sa akin. Hindi ko alam ngayon kung ano ang nasa isip ni seniorito, ang mata niya lamang ang nababasa ko dahil halata rito na nagustuhan niya kung anong ayos ko.
Tinanggap ko ang kanyang kamay. Inalalayan niya akong umakyat sa stage upang maging maayos ang aking paglalakad. Doon ko tuluyang nasaksihan kung gaano karami ang bisitang dumalo sa gabing ito. Ganun din karami ang taong niloloko namin ngayon dahil sa palabas na aming ginagawa.
Ngunit hindi ko kailangan isipin ang bagay na iyon. May iba akong dapat pagtuunan ng pansin kesa sa konsensyang nararamdaman ko.
"Good Evening ma'am dahlia gostavo. I'm glad that your back, congratulations to the both of you." Isang ngiti at tango lamang ang ginawa ko sa babaeng tagapag-salita. Ipinasa niya sa akin ang mike para sa kaonting pasasalamat na aking sasabihin.
"Thankyou for coming on our engagement party. I appreciate all the people who's here to witness the night of this engagement day."
Maraming taong pumalakpak sa sinabi ko. Kabilang na doon ay ang senyor na villegas. Hindi ko sana nais madawit siya sa gagawin ko dahil nakikita ko sa kanya si papa. Ngunit wala akong pagpipilian kung kasabwat nga ba siya ni dahlia.
Marami pang tanong ang ibinato niya sa akin. Hindi lumisan si stevan sa gilid ko hangga sa makababa na kami ng stage.
Sinalubong ako ni don agaton ng makababa ako. Isang yakap ang ginawa niya bago ako tuluyang harapin.
"Your gorgeous, hija." Binigyan ko siya ng magandang ngiti. Bakas sa mukha ng senyor ang galak na kanyang ipinapakita. Hindi ko maatim na idawit siya, ngunit paano kung sa kabila ng maganda niyang ngiti ngayon ay may nagkukubli palang demonyo sa kanyang kaloob-looban?
"You didn't change after a long years. Ang ganda pa rin ng magiging daughter in law ko."
"Thankyou, don agaton."
"From now own, you can call me dad. Sinabi ko na ito noon sa'yo hindi ba?" ngumiti akong muli bago bigyan siya ng isang tango.
"Sure dad. Thankyou again."
Nginitian niya ako bago sabihan ang ginang na nagsasalita sa stage na maaari ng mag-umpisang kumain ang mga bisita. Lahat sila ay mukhang nag-eenjoy, hindi matiis ng karamihang lumapit sa akin upang batiin ako. Ang mga ilang nakakausap ko ay sinasabing nagkakilala na kami noon pa man, natural na magpanggap akong kilala sila. Ngumingiti ako na halos gawin kong totoo iyon, ayokong maging peke ang aking ngiti dahil hindi ko nais madismaya si stevan.
"Nice seeing you again, dahlia." nagawi ang paningin ko sa isang matangkad na lalake. Malapad ang kanyang dibdib at napaka-tikas ng kanyang tindig. Ngunit mas nagugustuhan ng aking paningin ay si seniorito stevan.
"Nice to see you too." iyon ang isinagot ko. Binigyan niya ako ng ngisi bago abutan ng basong may alak. Hindi ko matanggihan iyon dahil nga nasa gitna ako ng pagpapanggap. Inilapit niya ang wine glass upang makipag-cheers sa akin. Gaya ng ginawa niya ay itinaas ko rin ang akin upang magtama ang aming hawak na baso.
Nakangisi siya matapos mangalahati ang kanyang alak. Hindi ko mapangalanan ang lasa nitong ininom ko. Hindi ko maaaring ipakita na hindi ko nagustuhan ang lasa dahil alam kong kilala nito si dahlia.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomansaCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...