SPECIAL CHAPTER

1K 29 4
                                    

Third Person Pov.

Mula sa malawak na lupain ay tanaw ni cordaphia ang matatayog na punong sinasayaw ng hangin. Kakaiba sa pandama nito ang sariwang hangin na humahampas sa kanyang katawan.

Tahimik ang buong paligid.

Napakapaya ng kanyang sistema matapos niyang pumikit upang lumanghap ng sariwang hangin.

Pinaghalong simoy ng hamog at mga halaman ang kanyang naamoy habang niyayakap niya ang sarili.

At bago ito tuluyang magmulat, may dalawang kamay ng yumapos sa kanyang katawan upang yakapin ito.

“It’s too early..” stevan whispered with a lower voice while hugging cordaphia on her back. Hindi sumagot si cordaphia kundi idinikit lang niya ang mukha kay stevan na ngayo‘y nasa balikat niya.

“Are you ready for the flight today?” her husband asked again about the flight from their honeymoon. Doon lang lumingon si cordaphia dahilan upang mawala ang pagkakayap sa kanya ng asawa.

“Hindi ba natin talaga isasama ang mga bata?”

“Tita melinda volunteer to stay here while were in vacation, ayaw mo ba ‘non? We can rest and enjoy our moment..” cordaphia sighed with that thoughts, she‘s not use to seperated with her twins. Nasanay na siyang kasama ang mga ito at sa kaisipang hindi nila ito makakasama ng isang buwan ay para ba‘ng nanghihina na siya.

“Masyadong matagal ang isang buwan, stevan. I can‘t sleep without them, mag-aalala lang ako doon kakaisip sa kanila.”

“Then maybe two weeks is enough?”

Napaisip si cordaphia sa suhestiyon niyang iyon. Dalawang araw na kasi ang lumipas ng ikasal sila, agad ng kumuha ng tickets si stevan para sa honeymoon nila dahil nasabi nitong nais niyang madagdagan ang kanilang mga anak.

“Are you sure we can leave the twins here?”

“Stuart is with them, im sure he didn‘t let our twins to get hurt..” hindi pa rin sang-ayon si cordaphia sa sinabi niyang iyon. Ngunit hindi na siya sumagot pa, sa mga araw kasing nagdaan ay panay nilang kasama ang dalawa sa kwarto. Wala silang oras para sa kanilang dalawa at naiisip naman na iyon ni cordaphia.

She know about stevan needs, specially it‘s been year since they seperated. Hindi alam ni cordaphia kung nagkaroon ba ng ibang babae si stevan sa ilang taon nilang pagkakahiwalay. Ngunit hindi na niya iyon nais itanong pa, alam naman niya sa sariling masyadong akward iyon kung bubuksan pa niya ang ganoong topic.

“May nakahanda ng almusal sa mesa, but our twins still sleeping. Hindi ka ba nagugutom?” umiling si cordaphia.

“Hindi pa naman, nagandahan lang kasi ako ng makita ko‘ng sumisikat ang araw. Ang payapang tingnan.” bumaling si stevan sa tanawing tinitingnan kanina ni cordaphia. Nasa isang probinsya sila na kung titingnan ay sila lang halos ang naroon. Kung may kapitbahay man sila, medyo nalalayo iyon sa kanilang lugar.

Maalwalas kasi ang lupaing binili ni stevan, nasa mataas na parte sila habang ang nasa likuran nila ay ang malaking mansyon na kanyang pinatayo noong nagkahiwalay sila ng kanyang asawa.

“I want this peaceful life, noon pa sana ay naisip ko na ito. Hindi na sana tayo nagkahiwalay.”

Ramdam ni cordaphia ang sinseridad sa tinig ng kanyang asawa. Alam naman niya sa sariling ginawa lang iyon ni stevan para sa kanila, ngunit dahil nasaktan noon si cordaphia. Hindi niya napigilang lumayo upang mailayo ang mga anak nila. Binabalot din naman ng pagsisisi si cordaphia, ngunit hindi na maibabalik pa ang nakaraang nangyari kaya‘t kung maaari lamang ay araw-araw nitong iparamdam ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now