STEVAN KURT VILLEGAS
MATAPOS kong maihatid ang bata sa harapan ng silid nila, naabutan ko na doon ang ginang na nag-aalalang lumapit sa kanya. Inakala ko‘ng iyon ang ina ng bata dahil sa pag-aalala nito, ngunit nang sabihin niya sa akin na hindi siya ang ina ng bata at isa lamang siyang yaya. Nakuryos na agad ako kung sino ang mommy ng batang ’yon.
Napag-alaman ko rin na kambal ang binabantayan niyang bata. Madaling nahuli ang intrest ko dahil doon, ngunit hindi na ako nakapag-usisa pa. Pumasok na kasi ng silid ang bata at ang yaya nito ay nagpasalamat na sa akin.
Hindi ko makalimutan ang batang iyon habang nakatayo ako sa harapan, napukaw lang ang atensyon ko ng makita ang head admin ng paaralan kung kaya’t lumapit na ako dito habang may kinakausap siyang babae.
“Someone checking the background of our student maam. Siya po 'yung nagpatayo ng school na 'to, marami din naman ng hindi pa nagpasa ng certificate eh, pero need na namin ito next week..” nakita ko‘ng tumango ang babae sa sinabi ng admin. Medyo pamilyar din sa akin ang tindig ng babaeng kausap niya na ngayo‘y nakatalikod sa akin.
“Pwede ko ba pong malaman kung sino ang nagpatayo sa paaralang ito?” nangunot ang noo ko ng marinig ang tinig ng babaeng kausap niya.
Teka. Hindi ako pwedeng magkamali.
Si cordaphia ba ito?
Ang tinig nito at ang kanyang pustura ay hindi nalalayo sa asawa ko.
Tinuro ako ng admin na tila ba sinasabi niyang nasa likuran nito ang may-ari ng paaralan. Pinilit ko‘ng lumakad palapit sa kanila at umaktong hindi napuna kung sino siya kahit naman na kilalang-kilala ko ito.
Maski anong pananamit ang meron siya ay hindi niya maitatago ang pagkatao nito sa akin. Kahit na mas naging maayos siya ngayon at ibang iba na ang kanyang pananamit.
“We're leaving, maam..” nagtungo ako sa likuran nito matapos sabihin iyon. Wala naman na rin akong oras pa upang maglibot dahil nag-iba na ang pakiramdam ko. Hindi ko na maipaliwanag kung anong nasa puso ko, para ba‘ng nakaramdam na lamang ako ng pananabik. “We're going back next week, magdadala kami ng mga new chair. Iyong bago na may desk..” ngumiti ang admin sa sinabi ko, samantalang ang babaeng nasa harapan ko ay nawalan na ng imik. Pansin ko ‘ring natigilan siya at mukhang pinipigilan na nitong magsalita.
“Maraming salamat mr villegas. Nga pala, siya si ms madrigal. Nagdonate siya noong enrollment ng mga school supplies at alcohol, facemask para sa mga bata..”
Pumaling ang ulo ko dahil sa pangalang narinig, siya si ms madrigal? Nakita ko nga ang pangalan nito sa mga taong nagbigay donation noon ngunit hindi ko naman inaasahang siya ang madrigal na iyon. Bakit georgina na ang pangalan niya? Nagtago talaga ito sa pangalang iyon dahil iniisip niyang hahanapin ko pa rin siya.
Natawa ako sa isip ko, alam ko naman na kung nasaan siya. Alam ko‘ng nasa puder ito ni stuart ngunit hindi ako gumawa ng hakbang. Hinayaan ko lang siyang maging malaya dahil alam ko‘ng galit ito sa akin, kaya‘t hinayaan ko na lang din ang sarili ko’ng magdusa at mangulila sa kanila.
“Thankyou for your concern in our school, ms madrigal. But madrigal is familliar on me, do you have any bussiness?”
Imbes na siya ang tumango sa tanong ko, ang head teacher na ang sumagot kaya’t nawala ang atensyon ko sa kanya.
“She's a company owner, mr villegas. CEO siya ng ilang cosmetics products..” wala sa sariling napatango ako, doon ko lang din naalala na kaya pala pamilyar ang pangalan nito ay dahil siya ang kikitain ni vicente mamaya.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...