The Wedding Ring

746 25 1
                                    

Chapter 49

Cordaphia Pov.

Tahimik ang dalawang anak ko habang may kinakain sila na inihanda ni lola. Hindi ko alam na magugustuhan nila iyon kahit na isang beses pa lamang nila iyong natikman.

Samantalang ako ay halos maubos ko na ang akin dahil namiss ko ang kumain ng mga kakaning niluluto ni lola para sa akin noon.

Nakaupo pa rin kami sa maliit na silong dito sa likuran. Katabi ko pa rin ang aking mga anak habang kasama ang kanilang yaya, si lolo ay kinakausap ang anak ko‘ng si maureen. Si lola naman ay nasa tabi ko habang kumakain rin.

Tinatanaw namin si stevan mula doon sa dulo dahil mag-uumpisa na siyang magsibak ng kahoy. Dalawang suman lamang ang nakain nito kaya‘t iniisip ko na baka hindi niya iyon nagustuhan. Laging gulay din ang ulam namin dito na alam ko‘ng hindi niya nagugustuhan, sanay kasi siya sa karne. Ngunit ang mga anak ko ay hindi ko sinanay sa mga ganoong pagkain. Kung ano ang nakahapag sa lamesa, iyon din ang kakainin nila. Hindi na sila maghahanap ng iba, kung magrerequest man sila ng pagkain ay miryenda iyon na siyang paborito nila.

“Marunong ba sa pagsisibak ng kahoy ang asawa mo? Hindi naman na kailangang tulungan niya ako..” ngumiti ako kay lolo bago tumango.

“Kaya na po niya iyan, magpahinga na lang kayo dito. Huwag niyo siyang alalahanin..” nag-aalinlangang tumango si lolo bago lingunin si stevan. Hinihelera nito ang mga kahoy sa gilid upang ipunin doon ang mga sisibakin niya. Ini-usog niya rin ang kahoy na upuan bago nito hagilapin ang palakol na siyang ginagamit ni lolo.

Buong akala ko ay magkakaroon ito ng reklamo, iniisip ko rin na mahihirapan siya ngunit nagkamali ako. Sa isang hampas nito sa kanyang hawak naging dalawang parte ang kahoy na nasa harapan niya, ang isang pirasong kahoy ay naging apat na parte sa ginawa niyang pagsisibak.

Natulala ako habang pinapanood siya, mainit sa pwesto nito. Ngunit hindi ito kakikitaan ng ano ma‘ng kairitasyon. Tila ba ang ginagawa nito ay pabor sa kanya, bukal sa loob nito at mukhang nag-eenjoy pa siya.

“Magaling nga naman ang asawa mo, kahit mayaman siya ay nagawa niyang magsibak ng kahoy..” hindi ako nagbigay imik sa sinabing iyon ni lolo. Sumusunod lang ang mata ko sa baway galaw ni stevan maging sa braso nito, bawat paghampas nito ay siyang pag-flex naman ng braso niya. Hindi ko itatanggi na maganda ang pangangatawan ni stevan. Kaya nga‘t nagtataka ako kung bakit wala man lang siyang naging babae.

Gwapo siya, ang panlabas niyang anyo ay sasambahin lahat ng kababaihan. Maski anong suot nito ay babagay sa kanya, sa kinis ng kutis nito ay mahihiya ka pa‘ng lapitan siya

Pero heto siya at minsanan lang sinunod ang utos ko. Sino ba ang mag-aakala na ang isang villegas ay hahawak ng palakol upang magsibak?

Kung nakikita lamang siya ng mga bussiness partner nito ay tiyak na hahangaan pa siya ng mga ito.



HALOS kalahating oras nagsibak ng kahoy si stevan habang nasa silong kami. Balak na sana niyang tapusin iyon ngunit kinausap na ako ni lola na pagpahingain ko muna daw kuno ang asawa ko.

“Dalhan mo nga ng tubig ang asawa mo, masyado ng mainit. Pasilungin mo na..” wala akong nagawa kundi ang tumayo. Naririnig pa man din siya ng mga anak ko kaya‘t kumuha na ako ng tubig upang dalhin iyon kay stevan.

Mainit na nga ang sinag ng araw at halos pinagpapawisan na ang kanyang mukha. Mabasa na rin ang suot nitong damit kaya‘t medyo nahabag ako ng tumingala siya sakin.

“U-uminom ka daw s-sabi ni l-lola..” nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagtitig nito sakin. Hindi ako makatingin sa kanya lalo na ng tumayo ito upang kunin ang basong nilahad ko.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now