Chapter 40
Third Person Pov.
Makalipas ang apat na taon...
“First day niyo sa school baby ha, huwag masyadong malikot. Bawal pagurin si yaya okay?” sabay na tumango ang magkapatid sa habilin ng kanilang ina na si cordaphia. Makalipas ang apat na taon simula ng mabawi niya ang anak kay stevan, hindi na sila nasilayan ng kanilang ama. Tuluyan na 'ngang lumayo si cordaphia at nag-aral ng apat na taon sa kursong bussiness management.
May isang negosyo na rin ito na katuwang si rico sa pagpapalago. Kung hindi dahil kay rico, hindi niya mararating kung ano man ang meron siya ngayon.
“Mommy won't come with us po?” umiling si cordaphia sa tanong na iyon ng anak niyang babae.
“May meeting si mommy sa mga client eh, don't worry. Si mommy ang magsusundo sa inyo mamaya, okay lang ba 'yon?”
“It's okay for me, mommy. I'm big boy na po, ako na po ang bahala sa kapatid ko..” iyon ang siyang sinagot ng kuya. Dahil mas naunang lumabas ang anak niyang lalake, siya ang tumatayong panganay sa dalawa. Nilingon niya ang kapatid bago ito akbayan. “Don't stress out our mom, maraming trabaho si mommy..” mabilis na napangiti si cordaphia sa sinabing iyon ng anak niyang lalake. Kahit apat na taon pa lamang ito, napaka-matured niya ng mag-isip. Ibang-iba ang ugali niya ngayon kesa noong sanggol pa lamang siya.
“How many hours were going to study po ba?” muling nagtanong ang anak niyang babae, hinaplos niya ang buhok nito bago ngumiti.
“Three hours lang baby, ten o' clock naroon na si mommy. Don't be scared, hm?”
“How about daddy rico and daddy stuart? They didn't visit po ba here?”
Umiling muli si cordaphia. May bussiness trip kasi sila rico, samantalang si stuart naman ay masyadong abala. Hindi pa rin nga nahahanap ngayon si dahlia at hindi nila alam kung nasaan na nga ba ito. Ngunit hindi naman nila iniisip na baka patay na ang dalaga, hindi iyon nais isipin ni stuart.
“Your daddy's is still busy, sa sunday pa uuwi si daddy rico..” ngumuso ang batang babae.
“It's too long po mommy..”
“Daddy rico is busy too, sister. Your big girl na, you must understand them. Once we get old, we're going to busy too..” natawa si cordaphia sa sinabing iyon ng kuya, umiling ang ina bago haplusin ang pisngi ng anak at halikan ang magkabiling pisngi nito.
“No, baby. Your still young, wag naman masyadong mabilis. Baby ko pa rin kayong dalawa..”
“Mommy no, don't do that in my school, nakakahiya..” lalong natawa si cordaphia, hindi niya maiwasang isipin na sobrang bilis ng panahon. Bakit ang bilis ng kanilang paglaki.
“Don't you remember last year? when your crying because i didn't kiss your kili-kili?”
“Mommy is so embarassing!” natawa ang kapatid niyang babae, noon kasi ay umiiyak ang anak nito sa tuwing hindi inaamoy ng ina ang kili-kili niya. Inaasar kasi ito ng ina na maasim ang anak kahit hindi naman.
“Okay, your big boy na talaga. But, be a goodboy in school okay?”
“Yes mom, aalis na po ba kami? Were late na po..”
“Hindi pa, it's too early pa. Tatawagin ko lang ang driver niyo..” tumango ang dalawang kambal. Sakto din ang pagbaba ng yaya nila na dala ang kanilang school bag.
“Aalis na po ba kami maam?” tumango si cordaphia.
“Oo manang, pakibantayan na lang ng maigi ang mga bata hm? Hindi kasi ako makakasama today, may meeting sa opisina..”
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...