Chapter 16
Cordaphia Pov.
Nang araw ng lunes, dumating muli ang wedding planner upang kuhanin ang aming nais na theme sa kasal. May mga designer din para sa aking gown na isusuot.
Naging abala ang araw na iyon para sa amin, maging ang mga nalalabing araw na dumaan ay todo asikaso sila para lamang sa kasal namin ni seniorito stevan.
Kinakabahan ako ngunit pilit kong pinapalakas ang loob para lamang maging maayos ang lahat. Hindi ko alam kung ano bang makukuha ko dito sa ginagawa ko, ngunit pinanghahawakan ko ang mga sinabi ni seniorito stevan.
Alam ko sa aking sarili na unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nararamdaman ko iyon sa tuwing magkasama kami, sa tuwing hahalikan at hahagkan niya ako. Nais ko man pigilan ay hindi ko magawa, alam kong ikakasakit ko ito. Ngunit binigyan niya ako ng panghahawakan na hangga't asawa ko ito ay akin siya, iyon ang siyang paniniwalaan ko.
Dumating ang araw ng kasal, ginanap iyon sa isang beach resort. Mga kilalang kaibigan lamang ni don agaton ang naroon maging ang mga iilang bisita na dumating noon sa engagement party.
Ngunit hindi na importante kung sino man ang dumating sa kasal namin. Wala na akong ibang iniisip pa kundi si seniorito stevan lang. Kakaiba ang pakiramdam ko habang naghihintay siya sa aking paglapit, bumibilis ang tibok ng puso ko. Namamawis ang aking mga kamay at para akong matutumba ano mang oras.
Alam kong walang katotohanan ito para sa amin, isa lang itong pekeng kasal. Ngunit sa mata ng mga taong nakasasaksi ngayon ay totoong mag-iisang dibdib kami para sa kanila.
Isang payapang seremonya ang naganap ng umagang iyon. Bawat katagang binibitawan ng pari ay tumatak sa aking isipan. Ngunit ang mga mata ni stevan na nakatingin sa akin ay kailanman ay hindi ko makakalimutan.
"You may now kiss the bride." anas ng pari matapos niyang sabihin ang isang mensahe. Hindi nawawala ang titig sa akin ni seniorito, inangat niya ang kanyang kamay upang hawakan ang aking belo. Marahan niya iyong itinaas dahilan upang tuluyang tumambad ang mukha ko sa kanya.
Hindi ko magawang ngumiti dahil sa nararamdaman ko. Ngunit isang ngisi ang iginawad niya sa akin bago tuluyang angkinin ang aking labi.
Masigabong palakpakan ang naganap sa kabuuan ng mga bisita. Lahat sila'y natutuwa ng harapin namin sila. Alam kong pagkakasala ang ginagawa kong ito, ngunit ang buong pangyayari sa kasal namin ay malaking tanda na iyon sa puso't isip ko na kailanman ay hindi ko na yata makakalimutan.
Ang araw ng kasal namin ni seniorito stevan ay malaking pangyayari sa kabuuan ng buhay ko.
"Are you going to shower?" bahagya akong napalingon sa tinig ni seniorito sa likuran ko. Pumalupot ang kamay niya sa aking katawan habang nasa likod ko ito.
Tumungo kami ng ibang bansa para sa aming honeymoon. Iyon ang gusto ni don agaton, mabigyan namin siya agad ng apo upang masiguro nito na maipapasa sa lalakeng apo ang lahat ng mapupunta kay stevan.
Marahan akong tumango sa tanong ni seniorito. Halos kalahating oras lamang ng marating naman ang hotel kung saan kami mananatili. Madilim na sa labas, ngunit may mga ilaw pa rin akong natatanaw. Maganda ang view ngunit hindi ko na kita ang magandang karagatan kung nasaan kami.
"M-maliligo na ako." tugon ko. Muling nilihis ang tingin dahil hindi ko magawang malingon ng matagal sa kanya.
"Can we take a shower together?" bahagya akong natigilan sa tanong niya. Hindi ko matunugan ang pagbibiro sa kanyang tinig; Seryoso ito, walang halong biro ng sabihin niya iyon. "As we are married, you should not ignore me for what i want." ramdam ko ang hininga n'ya sa aking batok. Naghatid iyon ng kakaibang bultahe ng kuryente sa aking katawan. Wala akong nagawa kundi pumikit, huli na lang ng malaman kong nagpatangay ako sa kanya papasok ng banyo.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
Storie d'amoreCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...