The real Suspect

894 21 1
                                    

Chapter 11

Third Person Pov.


Abala ang mga tao sa mansyon ni stevan habang nasa kwarto si cordaphia. Nasa silid ito ni dahlia kung saan nakatayo lamang siya sa malaking veranda habang nagmamasid sa labas.

Maganda ang kanyang kasuotan. Ang buhok niya ay bagsak na lalo lamang nagpapabagay sa kanyang ayos.

May hawak siyang libro. Binabasa niya iyon habang pasulyap-sulyap siya sa labas ng mansyon.

Isang buwan na ang lumipas simula ng dumalaw si stevan sa mansyong kinaroroonan niya. Sa loob ng isang buwang iyon ay hindi niya maitatangging hinahanap nito ang presensya ng binata.

Sa tagal nitong hindi nagparamdam ay inabala niya ang sarili kung paano ba maging si dahlia. Inaral niya iyon ng husto upang kung sakaling magkaharap muli sila ni stevan ay ibang-iba na siya sa huli nilang pagkikita.

Sa pananahimik niya sa silid ay may kumuha sa atensyon nito. Isang katok ang nagpalingon sa kanya bago bumukas ang pinto.

Pumasok sa silid si melinda na kung tawagin niya ay tita mel. Gaya niya ay bihis rin ito at maayos ang kanyang pustura.

Lumapit sa kanya ang ginang. Nakangiti ito bago isara ni daphia ang librong hawak.

”Kinakabahan ka ba?” iyon ang tanong ni melinda sa dalaga. Tumango si daphia, totoong kinakabahan ito ngunit pinapalakas lamang niya ang loob at pinipilit niya sa isip na magiging maayos ang unang pagkikita nila ni don agaton.

Itong araw na 'to ang pagkikita nila ng don. Dadalo sila rito upang makita ang dalaga. Ngayong araw na rin nila pag-uusapan ang tungkol sa engagement party na magaganap ngayong buwan.

”Hindi ka dapat kabahan, you are dahlia Gostavo. Ikaw na ikaw siya, kuhang kuha mo ang buong kaanyuan nito..” hindi nagbigay imik si daphia. Kahit pa na halos siya na si dahlia ay hindi ito masaya. Hindi na siya natutuwa sa nangyayari ngunit wala itong magagawa kundi panindigan na lamang ang kanyang pinasukan.

Totoong hawig na hawig niya si dahlia gostavo. Lalo na at tinakpan na ng berde ang itim niyang mata na lalong kumukuha sa anyo ni dahlia.

Lahat ng kilos, salita at pustura ni dahlia ay nasa kanya na. Kilala at alam na ni daphia kung paano aakto bilang dahlia gostavo sa harapan ng karamihan.

”Lumabas na tayo, dahlia. Alam kong ano mang oras ay darating na sila..” tumango lamang muli si daphia.

Sabay silang lumabas ni melinda at bumaba ng hagdan. Naroon na sa ilalim ang mga body guard maging si butler ryan na agaran sumalubong sa kanila.

”Don agaton is already arrived here..” natigilan ang dalaga sa inihayag ni butler ryan. Abot tahip ang kaba ni daphia ng tuluyang pumasok ang mga lalakeng nakasuot ng itim na suit habang nasa ilalim na sila ng hagdan katabi si melinda.

Unang pumasok si Stuart kasunod ang hindi pamilyar na lalake. Matapos iyon ay agad din sumunod si don agaton kay stuart na lalong nagpakaba kay daphia habang siya ay nakatayo.

Hindi siya makagalaw lalo na ng lumapit sa kanila ang don. Matikas ito kahit may edad na, sa porma at tingin nito ay katatakutan muna siya. Makapangyarihang lalake siya base sa kanyang nasasaksihan.

”Dahlia..” ang baritonong boses ng don ang siyang nagpatunay na nag-uumpisa na ang laro. Ito na ang umpisa ng kanyang pag-papanggap bilang dahlia gostavo na siyang magiging fiancee ni stevan.

Niyakap siya ng don. Isang simpleng yakap bago sila magbesohan. Ngumiti si daphia sa kaharap, hindi niya nais pansinin ang reaksyon ni stuart dahil alam niyang may nalalaman ito sa kanyang pagpapanggap.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now