Patigasin

1.2K 25 1
                                    

Chapter 9

Cordaphia Pov.

Hindi naging maayos ang tulog ko sa kwarto ni dahlia kagabi. Naninibago ako at hindi sanay sa malaki at malambot na kama.

Napakalaki ng kwarto at kung iisipin ay buong bahay namin ang buong sukat 'non.

May sariling banyo, malaki ang veranda at may maalwalas na espasyo sa kwarto.

Kahit ganoon kagara ang kinalalagian ko ay hindi naging kumportable ang sistema ko. Sanay ako sa simple, ngunit dapat ko na rin yatang sanayin ang aking sarili sa buhay na ganito.

Ang problema nga lang baka masanay ako ng tuluyan at hahanapin ko ito.

Napabuntong hininga ako habang pinapanuod ang pagluluto ni aling mercy, ang ilang kasambahay ay hindi ako matingnan ng diretso. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip nila dahil bigla na lang akong naging donya rito.

”Tulungan ko na po kayo aling mercy” muli ay umiling ang matanda, hindi nais ng tulong ko at pilit lamang akong pinapaupo rito.

”Hindi maaari, hija. Ipinagbilin ni stevan na huwag kang magtrabaho, baka bigla itong umuwi at makita kang tinutulungan ako”

”Hindi pa naman po yata siya uuwi..” napanguso ako, hindi ko na naabutan si señiorito stevan ng magising ako. Ang sabi ni aling mercy ay maaga siyang umalis dahil nakauwi na si don Agaton Villegas.

Ang ama ni señiorito stevan.

”Dapat lamang na hindi ka na magsilbi rito, ikaw na si dahlia. Tandaan mo, kailangan mong makumbinsi ang don na ikaw nga ito.”  may kung anong pangamba akong naramdaman dahil sa sinabi ni aling mercy.

Hindi ko alam na malaki pala ang role ni dahlia.

Bago ito mawala ay dapat sanay idaraos ang engagement nila ni señiorito stevan. Ngunit dahil namatay si senyora amelia ay naudlot iyon, matapos ng balitang namatay ang magiging biyenan ni dahlia ay hindi na nagpakita pa si dahlia kahit kanino.

Maging ako ay napapa-isip kung nasaan na ba siya, wala na itong balak na bumalik? Bakit biglaan yata ang kanyang pagkawala kung malapit na ang kanilang engagement?

Hindi ba nakakapagtaka lang?

”Mabait po ba si don agaton?” hindi ko maiwasang itanong iyon, nais ko rin sanang makita ang imahe ng don ngunit ni isang litrato ay wala siya rito.

”Mabait ang don, kung mabait ang kanyang kaharap. Ngunit may pagka-strikto ito..”

”Magkasundo po ba sila ni dahlia noon?”

”Hindi ko gaanong nakikitang nag-uusap sila, bukod rito. May mansyon pa ang mga villegas, at ang sabi ni stevan ay may susundo sayo rito patungo roon..”

"Ha?” wala sa sariling napatayo ako. ”May ibang mansyon pa ang mga villegas?” tumango si aling mercy. ”At pupunta ako ngayon doon!”

”Marahil ay nais ni stevan na pumaroon ka muna, dahil dito unang tutungo si don agaton matapos niya sa mga bussiness meeting..”

”P-pero, saan ba ang mansyon na 'yon? Hindi ba pupunta ang don sa pupuntahan ko?”

”Hindi siya tutungo roon..”

Muli akong napaupo, nagpanic ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Iniisip ko kung anong itsura ni don agaton. Nangangapa na rin ako kung paano i-akto ang kilos ni dahlia ganong hindi ko naman siya nakilala.

DUMAAN ang isang oras matapos naming mag-almusal, bukod tanging ako ang narito maging ang mga kasambahay. Wala si señiorito stevan at stuart.

Malamang ay kasama na nila ang kanilang ama.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now