Chapter 8
Cordaphia Pov.
Tahimik sa mansyon habang naghahanda ako ng hapunan ni señiorito stevan, isang simpleng putahe para sa masungit at gwapong lalake. Kung hindi lang siya gwapo ay malamang binuhusan ko na ito ng isang katerbang asin, ngunit nakakatakot itong galitin. Baka biglaan na lang akong sagpangin ng hindi ko inaasahan.
Matapos naming umuwi kanina ay hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi ni señiorito sa akin, hindi na ako si daphia. Hindi na ako kailanman magsusuot nitong uniforms maid. Dahil, ako na si dahlia gostavo.
Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nais ni señiorito na humalili ako bilang dati niyang nobya. Napapanguso ako sa t'wing sasagi iyon sa isip ko. Ang sabi niya'y, tataasan pa nito ang sahod ko sa pagpapanggap kong ito. Wala akong pagpipiliian kung hindi pumayag.
Binigyan niya ako ng bagong cellphone, at ang numero ni lola ay i-sinave ko agad para matawagan ko sila mamayang mahimbing na ang tulog ni cobra.
”Your here.” mabilis ang paglingon ko sa lalakeng nagsalita sa aking gilid, nakita ko roon si stuart na nakapag-bihis pantulog.
Kahit isang pajama at pulang shirt lamang ang kanyang suot ay hindi iyon nakabawas sa kanyang kagwapuhan. Kung ako ang tatanungin ay para silang magkambal ni señiorito stevan. Pero, ang sabi sa akin ni fairy god mother ay mas matanda ito.
”Your not eating yet?” lumapit siya at sinilip ang niluluto kong sinabawan sa sampalok, nangiti ito ng makita iyon.
”Para kay señiorito stevan ito..”
”I didnt know that your good in cooking..”
”Nakasanayan ko na, señiorito..” nilingon niya ako, tumango tango ito habang nakatitig sa akin.
”Can i have a taste?”
”Oo naman, sir..” dali-dali akong kumuha ng silyo, nilagyan ko iyon at inilapag sa mesa upang matikman niya. Agaran naman ang pag-upo nito at hinalo halo ang sabaw na kinuha ko, dahan-dahan niya iyong inihipan bago tikman. Muli siyang tumango, bakas ang pagkagusto nito sa ulam na niluto ko.
”Perfect, masarap..” malapad ang aking ngiti, subalit nangamba ako bigla dahil sa ipinagbabawal ni señiorito stevan. Hindi ko alam kung bakit kailangan ay iwasan ko ang kanyang nakakatandang kapatid, wala naman akong nakikitang problema kay stuart. Hindi naman siya mukhang masamang tao bagkus ay magaan pa ang loob ko sa kanya.
”Ipag-aakyat ko lang saglit ng makakain si señiorito stevan..” hindi siya nagbigay imik sa sinabi ko, nakatitig ito sa kilos ko ng kumuha ako ng kasangkapan upang ipaghanda ng pagkain si stevan.
Hindi na rin ako kumibo, alam kong nakatingin siya sa akin na tila napuna niya ang biglaang pag-iwas ko.
Yumuko ako bago lisanin ang kusina, dala ang pagkain ni señiorito stevan ay madali akong umakyat sa kanyang silid.
Binuksan ko ang kanyang pinto at muntik ko ng matapon ang dala ko ng makita ang hubad niyang katawan na nakatalikod.
May katawagan ito sa telepono, nakaharap siya sa madilim na veranda at nakapamewang. Ang malusog niyang pang-upo ang nabungaran ko, napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Mapapa-mura ka na lang habang nilalapag ang pagkain niya sa gilid.
”I've seen dahlia, she's alive.” natigilan ako sa narinig, ang pangalang iyon ay ang dati niyang kasintahan na hindi ko alam kung nasaan. At ang pagkatao ni dahlia ay mahahalili sa akin. ”I will continue the engagement, after that the inheritance will be passed on me..” hindi ko mahulaan kung sino ang kausap niya, pero wala akong ideya kung tungkol saan at anong engagement?
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...