Minamahal na kita

901 23 0
                                    

Chapter 19



Cordaphia Pov.






Pumatak ang alas tres ng hapon nang humingi ako ng makakain kay aling mercy. Tulad ng sabi ni stevan, hindi nga ako lumabas ng silid. Nanatili ako sa aking kwarto at doon ay nakahiga lamang, ilang oras din akong nakatulog ulit kanina matapos umalis ni stevan. Ngunit hangga ngayon ay hindi pa rin ito dumarating mula sa paghahanap ng prutas na gusto ko.




"Hindi mo ba nagustuhan ang iniluto ko?" Pilit akong ngumiti kay aling mercy. Sinabawan sa sampalok ang kanyang hinanda para sakin, nasabi ko kasi rito na parang natatakam ako sa maasim na pagkain.



"N-nagustuhan po, salamat." Nakasandal ako sa headboard habang nasa kandungan ko ang tray na naglalaman ng aking pagkain, sakto lamang ang dami ng kanin ngunit hindi ko na nagawang ubusin pa iyon. Humilop na lamang ako ng sabaw habang nakamasid sa akin ang ginang.


Maging ito ay hindi niya ako nais kumilos, gusto ko sanang maupo at manood ng tv ngunit hindi niya ako pinahintulutan. Baka nga daw kasi ay buntis ako, hindi niya nais na mapagod ako dahil tiyak na siya raw ang mapapagalitan sa oras na may mangyaring masama sa akin.



Manood lang naman ako ng tv ngunit iyon na ang sinabi niya sakin. Pinakikiramdaman ko rin naman ang sarili, parang may nagbago nga sakin. Kaonting masamang amoy lang ay naduduwal na ako. Tulad ng pag gigisa kanina ni manang, iginisa niya kasi iyon sa sibuyas bago isabaw. At iyon ang muntik ko ng ikinasuka kanina ng pumasok ang amoy nito sa kwarto.

"Bakit iyan lang ang kinain mo? Nabusog ka ba?" Tumango ako sa tanong niya.


"Opo, busog na po ako."



"Siguro nga ay nagdadalalang tao ka na, marahil ay maselan ang iyong paglilihi kaya't hindi mo nagustuhan ang tocino na paborito mo kanina."



"Paglilihi po?" Tumango si manang.



"Base sa aking tingin, naglilihi ka na. At ang unang pinaglihian mo ay iyong makopa na hinahanap mo." Napatitig ako kay manang mercy, kung ganon totoo nga. Malaki ang posibilidad na magkaka-anak na kami ni seniorito.



Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko alam ang mararamdaman sa sandaling ito, masaya naman ako kung sakali ngang buntis ako. Ngunit may halong takot akong nararamdaman dahil sa pagdadala ko sa unang apo ng mga villegas. Ngunit sa pagkaka-alam ko ay may anak si stuart at dahlia. Iyon Kasi ang sinabi ni stuart noon ng magkausap kami.

"Natutuwa ako dahil magkakaroon na ng apo si don agaton, nakalulungkot nga lang na wala rito si senyora amelia." Nanatili akong walang imik sa kanyang tinuran. Alam naman ni aling mercy ang aking papel dito. Ngunit sa lahat ng nangyayari, tinanggap pa rin nito ako rito. "Handa ka na ba sa bagong misyon mo? Ang pagiging ina ay hindi ganoon kadali. Ngunit narito naman ako upang tulungan ka."

"Paano po pag nalaman ni don agaton na magkaayos tayo? Hindi po ba ay malayo ang loob sa inyo ng totoong dahlia?" Ngumiti ito ngpilit .

"Simple lamang iyon lusutan hija. Huwag mo munang isipin ang bagay na iyon, ang mahalaga sa ngayon ay ang malaman nating kung nagdadalang tao ka nga." Tumango ako sa sinabi niyang iyon. Hindi na ako umangal bagkus ay nilahad ko na rito ang tray na naglalaman ng natitira kong pagkain.

"May gusto ka pa bang kainin?"

Umiling ako. "Wala pa po ba si seniorito?"

Bumuntong hininga ito bago tumayo. "Tatawagan ko saglit si ryan upang itanong kung nasaan na ba sila." Tumango ako matapos niyang dukutin ang kanyang cellphone. Lumabas din ito ng silid at muli ay naiwan akong mag-isa na nakahiga sa kama.

Malayo muli ang nilakbay ng aking isip bago bumukas ang pintuan ng silid.

Agarang nabaling roon ang atensyon ko habang nakahiga ako. Hindi ko maiwasang kumilos upang sana'y maupo sa kama ng makitang si don agaton ang pumasok.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now