Chapter 42
Cordaphia‘s Pov.
Nakatalikod ako ngayon habang nakaupo sa swivel chair. Hindi pa nakakapasok sila stevan kung kaya‘t tinodo ko na ang paglagay ng facial mask sa aking mukha. Kulay lumot iyon na nagmula pa sa produktong nilabas namin noong huling buwan.
At dahil nataranta ako sa biglaang pagsulpot ni stevan dito, hindi ko inaasahang magagamit ko ito ng wala sa oras.
Napapa-isip pa ako sa sarili kung anong ginagawa ng lalakeng ito dito. Hindi ba‘t Vicente ang apelyido ng lalakeng pupunta dito? Siya ba si Mr Vicente?
Nahanap na ba niya ako at siya ngayon ang nagpanggap?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto maging ang mga yapak nila hudyat na nakapasok na sila sa loob.
Samantalang ako, nanatili pa ‘ring nakatalikod dahil kinakabahan ako sa ayos ko. Mamumukhaan niya ba ako kung sakaling hindi naman talaga siya nagpapanggap?
Bakit ngayon pa kami nagkita?
“Maam, nandito na po sila Mr Vicente. kasama po niya ang boss nito..” nangunot ang noo ko, kung ganon. Aparteng Vicente ang nakausap namin sa telepono? At ang boss ng vicente‘ng ito ay si stevan
Oh god. Bakit ganito ang tadhana namin?
Bakit niyo ba kami pinagtatagpo?
May dahilan po ba kayo?
“I want to meet you in person, your name is really quite familiar...” nagsalita na si stevan habang nakatalikod ako. Dahil ayokong magtaka siya sa ikinikilos ko. Buong tapang na akong humarap sa kanya, nakataas ang aking noo kahit na alam kong nakakatawa ang itsura ko.
“Oh, who is my client today?”
“Ako..” iyon ang sagot ni stevan, nakatayo pa rin sila sa gilid habang may tingin na sakin na hindi ko halos mabasa. “I don't know that facial mask is required in your conference room..”
Natawa ako sabay iwas ng tingin, pilit nilalabanan ang kaba upang hindi lamang mahalata ni stevan.
“Have a seat first before I answer your question, Mr?” patanong pa sa huli ang sinabi ko. Imbes na maupo siya, nilahad nito ang kamay niya sakin na siyang nagpatigil halos sa paghinga ko.
“I am stevan Kurt Villegas, maybe my name is familiar on you too, right?” dalawang beses akong kumurap bago umiling.
“V-villegas?” tinanggap ko ang pag-aabot nito ng kamay bago tuluyang tumayo. “This is the first time that I heard your name, maybe your not that so famous..” tumaas ang kilay niya. Ngunit pasimple lang iyon, alam kong nainsulto siya sa sinabi ko ngunit kinakalma ko lang saglit ang sarili.
Bakit hindi niya pa binibitawan ang kamay ko?
Hangga kailan niya ako tititigan?
“By the way..” hinila ko na ang kamay ko bago pa niya maramdaman ang lamig nito. “Let's proceed on our meeting. I know we're busy and this meeting will take five minutes only...”
Naupo nga siya matapos kong sabihin 'yon. Ngunit hindi niya ako nilulubayan ng titig niya. Para bang nais niyang makuha ang totoong mukha ko sa likod ng facial mask na suot ko.
“Are you sure you can explain your products in just five minutes?”
Natawa ako dahil sa tanong niyang iyon. “Do I need to explain their details one by one? My products is safe to use, dumaan sila sa tamang proseso. And if you will sign up the contract, the products will be send tomorrow in exact time..”
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...