Chapter 15
Cordaphia Pov.
Mula sa pagkakahiga ay tanaw ko ang mataas na kisame ng kwarto kung saan ako nakahiga. Tumingin ako sa gilid ng tuluyang magising ang diwa ko, lalong nabuhayan ang natutulog kong katawan at isip ng makita kung sino ang nasa tabi ko.
Bahagya akong natigilan habang nakatitig sa lalakeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakabalot ang puting kumot sa aming dalawa, nasa ibabaw ko ang kamay niya na nagbibigay ng mahigpit at mainit na yakap sa akin.
Napalunok ako. Hindi ko maalis ang mata sa gwapo niyang mukha habang pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Ramdam ko rin ang bahagyang kahapdian sa pagkababae ko senyales na nawala ang matagal kong iningatan.
Hindi ko alam kung paano humantong kami sa ganoong eksena. Hindi ko na kontrolado ang sarili kagabi dahil maging ako ay nakakaramdam ng kakaiba kay seniorito stevan. Hindi na yata ito tama, mali na yata ang tibok ng puso ko dahil hindi na nito masaway kung anong nais na gawin ko.
Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni seniorito upang i-angat. Tagumpay na naitaas ko iyon ngunit muli lang din niya akong hinila palapit sa dibdib nito upang yakapin.
"Where are you going?" aniya sa paos na tinig. Napalunok ako, grabe ang epekto sa akin ng tinig niya. Hindi ko alam kung inaakit ako nito o sadyang kay ganda lang ng tinig niya para sa akin.
"M-magbibihis na ako, seniorito."
"No need. Just lay down beside me."
"Umaga na." angil ko, pilit itong kinukumbinsi ngunit wala na siyang naging sagot. Inihilig niya lang ang mukha sa balikat ko. Hindi ko alam kung nakapikit pa rin ito o mulat na ang kanyang mata, hindi na kasi ako makatingin rito dahil nararamdaman ko na ngayon ang kahubaran ng aming katawan.
"W-wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko, nais kong pukawin ang atensyon nito upang hindi na siya makatulog.
"I don't have work today."
"Kailan ka pa nagka-day off?" medyo natawa ako dahil ang pagkaka-alam ko ay workaholic si seniorito, himala lang na wala siyang trabaho ngayon.
"We need to fixed our wedding day, the wedding planner is going here today."
Napakurap ako bago siya lingunin, doon lang din siya nagmulat kung saan nagsalubong ang mata namin.
"K-kailan ba ang k-kasal?"
"Next week."
"A-ano!"
"That old man want's a grandchild, cordaphia. I need to give what his want, and giving him a grandchild is the answer for my plans."
Muli ay napalunok na lamang ako. Seryoso na talaga? Wala ng joke at atrasan pa? Ako na talaga ang napili niya.
"I'm looking forward for your last menstruation, If your not took your period next month, your pregnant."
"P-paano mo n-nalaman?"
"Dahil ipinasok ko lahat sa'yo, siguro naman kahit isa ay may mabubuhay hm?"
"H-hindi kita m-maintindihan, seniorito." bumuntong hininga siya, bahagya siyang dumistansya bago nito ipatong ang ulo sa kanyang palad. Nakatagilid na itong nakatingin sa akin ngayon habang diretso pa rin akong nakahiga sa kama niya.
"Binuntis kita."
Para akong binuhusan ng tubig dahil sa sinabi niya. Hindi ako makakurap habang bahagyang nakabukas ang labi ko. Ngumiti siya sa reaksyon ko na lalong nagpalipad ng natitirang wisyo ko sa katawan.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
Любовные романыCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...