WAR

799 24 1
                                    

Chapter 23

Cordaphia Pov.



Hindi ko halos magalaw ang mga paa dahil sa lalakeng nakatayo ngayon sa harapan ko. Madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha maging ang dalawang kamao nito ay nakakuyom.


Napalunok ako ng mag-angat ako ng tingin sa mga mata niya. Nasa screen pa rin ang paningin nito at tiyak na napanood niya rin kung anong napanood ko sa videong iyon.

Binalot ako ng takot dahil sa sitwasyong ito. Hindi ko pa sana nais malaman niya ang totoo ngunit ang kapalaran na yata mismo ang nagtulak upang malaman niya ang lahat.

Humakbang ako upang hawakan ang kanyang kamay. Nais ko siyang pakalmahin kahit na nanginginig ang mga kamay ko habang hawak siya.

”S-stevan..” hindi ako makapagsalita ng maayos. ”P-pasensya na...” nakagat ko ang labi ko. Ang takot na nararamdaman ko para sa paghihiganti niya ay binalot iyon ng awa. Naaawa ako kay stevan dahil hindi lang pala talaga siya napagtaksilan, kundi nawalan din siya ng ina.

“I will k*ll them.” napalunok ako kasabay ng panlalaki ng aking mata. Makailang beses akong umiling dahil hindi ko na nais gawin niya pa iyon.

Ang pumatay.


”H-hindi... h-huwag mong g-gawin iyon stevan, b-baka mapahamak ka.. h-huwag mong ilagay ang batas sa mga k-kamay mo...”


”But they k*lled my mother! Mga hay*p sila! They all betrayed me!” lumapit si stevan sa mga screen na naroon. Halos mapanood ko ang mabibilis niyang paghinga na para bang pinipigilan nito ang galit.

Kinuha niya ang mga tape, mahigpit na nakahawak siya roon habang nakatingin sa mga screen na nasa itaas.

Kalaunan ay kanyang pinagsusuntok ang mga iyon, halos lahat ng keyboard ay nasira. Maging ang computer na nasa ibaba ay kanyang tinabig kaya't nawasak rin iyon at nabasag ang salamin nito. Ngunit ang mga tape, naroon pa rin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon, kung ano ang gagawin niya at binabalak niya. Ngunit isa lang ang nais ko, ang magkaroon siya ng sapat na plano at huwag muna siyang magpadalos dalos sa kanyang desisyon.

”Go to your room now.” napalunok ako sa utos niya. Gusto kong magtanong kung saan siya pupunta kung sakaling sundin ko ito, iniisip ko na baka may gawin na siya agad na ikapapahamak niya.

”A-anong g-gagawin mo?”


”I just have something important to do. Go to your room, uutusan ko si ryan na dalhin doon ang pagkain mo.”

Nilagpasan ako nito dala ang mga ebidensyang napanood namin. Hindi ko akalain na lahat ng sikretong nalalaman ko ay malalaman lang niya ng isang bagsakan.

Ang kasagutan kung sino ang pumatay sa kanyang ina, ang katotohanan na hindi talaga sila anak ni don agaton. Ang pagtataksil ni dahlia gostavo sa kanya.

Lahat ng iyon ay nalaman niya. At heto akong muli na wala na naman nagawa upang kumprontahin siya, lumabas ito ng silid. Malalaki ang kanyang yapak habang ang buong katawan ko ay para bang nawalan ng lakas.

Nanginginig pa rin ang aking tuhod ngunit nagawa kong lumabas upang sundan siya. Pagkababa ko sa sala, sakto naman ang pag-alis ng kotse nito. Humarang si butler ryan sa daraanan ko ng balakin kong lumabas.

”I'm sorry, seniorita. Your not allowed to go outside, hinabilin kayo ni sir sakin.” masamang tingin ang ipinukol ko kay butler ryan.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now