EBIDENSYA

866 25 3
                                    

Chapter 22

Cordaphia Pov...

Matapos balatan ni butler ryan ang pinyang pinabili ko, doon lamang nagising si stevan mula sa pagkakatulog niya kanina. Hinihilot nito ang noo niya bago nito hagurin ang kanyang buhok, kalaunan ay bumaling siya sakin. Kunot ang kanyang noo habang may mapupungay na matang nakatingin sakin.

”What happen?” napakurap ako sa tanong niya. Tinatanong ba nito kung anong nangyari sa kanya?

Nakatulog ka kanina.” sagot ko, saktong inilapag ni butler ryan ang mga nahiwang pinya sa tabi ko kung kaya't nabaling roon ang tingin niya.

”Do i fall sleep here?”

”Oo, hindi ba nag-uusap lang tayo kanina? Bigla ka na lang natulog.”

Pumaling ang ulo niya sa sinabi ko, para bang iniisip nito ang nangyari kanina bago siya mawalan ng malay.

”Dvmn.” pabulong na nagmura siya na tila'y naalala na nito ang nangyari. Pero imposible ba na dahil sa sinabi ko kaya't nahimatay siya? ”Im sorry if i'm sleep here while guarding you.”

Napanguso ako. ”Ayos lang naman kung matulog ka e.” tumango siya, tumayo ito at binalingan ang kanyang butler.

”Where is the food?”

”The food is already ready.” muli ay tumango si stevan ng dalawang beses, sinulyapan ako nito habang nakaupo ako sa gilid ng kama.

”Kumain ka na?”

Umiling ako sa tanong niya. ”Hindi pa, hinihintay kasi kitang magising. Gusto ko sabay tayo.” bumuntong hininga siya, muli itong umupo sa tabi ko bago senyasan ang butler niya.

Narito pa naman si manang sa loob ng kwarto, siya ang naghanda sa mga pagkaing nasa mesa maging yung mga dala niya na iniluto pa nito sa mansyon.

”You need to eat first, daphia. I'm still full.” humaba ang nguso ko matapos sabihin iyon   ni stevan. Inabot na rin sa akin ni butler ang pagkain ko na may sinabawang paksiw.

”Akala ko pa naman makakasabay kitang kumain, masarap pa naman itong ulam ko.” nakanguso pa rin ako, ngunit siya. Hindi yata sang-ayon na masarap itong pinaksiw na bangus, halata kasi iyon sa mukha niya.

Pero dahil sa kagustuhan ko tumango siya, nawala bigla ang pagkakabusangot ng aking mukha. Mabilis na kumuha ako ng kanin at itinapat sa kanya ang kubyertos upang subuan siya.

”Tikman mo itong pinaksiw!” umatras ang ulo niya habang namimilog ang mata.

”I can eat by myself, daphia. Kukuha ako ng pagkain ko.”

”Oo, pero tikman mo muna ito. Dati naman kitang sinusubuan hindi ba?”

”Yes, but..” napakurap siya habang nakatingin sa kubyertos na naghihintay bumuka ang bibig niya. Napapikit siya. ”Shvt.” nangunot ang noo ko.

”Ayaw mo ba? Masarap ito, mabango pa.”

”Mabango?” hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko, mabango naman. Malansa nga lang kasi isda siya, pero masarap talaga ito.

Ang arte.

”Huwag na lang, halatang ayaw mo naman.” umusog ako matapos kong umirap, hindi ko alam kung bakit ganito ang asta ko. Para bang nagtatampo na ako agad dahil umayaw siya, ang babaw ko pero ayoko talaga yung pag tanggi niya.

”Sabayan mo ng kumain ang asawa mo, stevan. Sundin mo na lang ang gusto niya.”

Ngumiti ako kay manang sa pagsabat niya, dahil roon napabuntong si stevan. ”Fine.” umayos siya ng upo at umusog sa akin, dahil ibinuka nito ang bibig niya doon ko lamang isinubo sa kanya ang pagkain. Ngunit hindi halos mapangalanan ang reaksyon niya, hindi ko alam kung nginuya ba nito iyon o basta na lang niyang nilunok. Pinagpapawisan pa siya kahit naka-aircon naman ang kwarto.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now