Love : The forgiven husband

864 26 2
                                    

Chapter 50

CORDAPHIA POV.

Ang pagmamahal ay ang siyang mabisang paraan upang mapatawad mo ang isang tao. Kahit gaano pa kalaki ang pagkakasala nito sayo ay magagawa mo itong patawarin dahil sa pagmamahal na meron ka.

At dahil nakikita mo ang pagbabago ng taong iyon, maiisip mo na deserve niyang magkaroon ng ikalawang pagkakataon.

Lahat naman ng tao ay nagkakamali, ngunit alam ko‘ng hindi iyon lahat kagustuhan ni stevan. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na paniwalaan lahat ng sinasabi niya. Nais ko’ng itanim sa isip ko na lahat ng ginawa nito ay para lang sa kaligtasan namin.

Ngunit dahil sa sakit na nangyari noon dahil sa ginawa niya sakin. Napakahirap palayain ang galit dito sa puso ko, para ba‘ng nasasaktan pa rin ako sa tuwing sumasagi iyong alaalang nangyari sa nakaraan.

“Bakit hindi ka sumama?” mabilis akong napalingon sa boses na nagtanong sa likuran ko. Nakita ko doon sa gilid ng mesa na nakatayo si stevan habang nakatingin sa akin.

Nasa manila na kaming muli, dalawang linggo na ang lumipas simula ng makauwi kami dito. Hindi ko nakumbinsi sila lola na sumama sa akin dahil baka manibago lang daw sila dito sa syudad. Gayun man, nanggaling pa lang ako noong sabado doon kasama ang mga kambal. At ngayong lunes na, nasa paaralan na silang dalawa kasama ang kanilang bodyguard at yaya.

“May gagawin ako sa opisina, bakit bumalik ka agad?” muli ay nagfocus ako sa paglilinis. May kasambahay naman kami ngunit abala ito sa paglalaba, atsaka pa. Kaya ko naman din gawin ang ibang trabahong bahay kaya‘t ayos lang sakin ito.

“Babalikan ko sila mamayang uwian, binalikan lang kita dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo..”

“Ayos lang ako..” binabanlawan ko na ang mga tasa at kubyertos habang nakatalikod pa rin. Hindi ko na siya hinarap kahit na alam ko‘ng nagmamasid siya sa bawat kilos ko.

“Baka masyado ka‘ng napagod sa biyahe kahapon, you should rest today..”

“Hindi ako pagod, as i’ve said. Im fine, kaya ko ang sarili ko..”

Dinig ko ang pagbubuntong hininga niya habang nilalagay ko ang mga kasangkapan sa dish drainer. Hindi pa rin ako humaharap sa kanya, nitong mga nakaraang araw kasi. Nag-iiba lalo ang takbo ng puso ko sa tuwing tumutingin ako sa kanya. Mas lalo pa‘ng naging malala iyon, hindi ko alam kung bakit nagagawa niya sakin ‘to. Kakaiba talaga.

“You know, im just concern. What if you got sick because of working a lot? Paano naman ang mga bata? You look pale, your out of energy but you still want to go out?”

Sa pagkakataong ito, ako na ang humarap sa kanya dahil alam ko ‘ngang concern ito. But im fine, kaya ko naman. Hindi masakit ang katawan ko o ano man, hindi lang naging maayos ang tulog ko kagabi dahil hindi umuwi si stevan. Sa kwarto siya ni maurice natulog at parang may kung ano sa akin ang hindi mapakali.

Alam ko naman na hindi kukunin ni stevan ang mga anak ko. Ngunit hindi ko maipaliwanag ang sistema ko, para ba‘ng may iba siyang nais.

“Walang masakit sa akin, stevan. Salamat sa pag-aalala mo, kaya‘t kung may gagawin ka man. Umalis ka na, ayoko namang maging abala sa mga lakad mo..”

“I don‘t have any appointment today, im not that busy yet. Marami na akong pera, hindi ko na kailangan sumubsob pa sa trabaho because im done with it after four years. Kahit manatili ako dito o hindi na magtrabaho, sapat na ang pera ko upang tumigil na. At ang oras na meron ako ngayon, i will spend it on you at sa mga anak natin...”

Nag-iwas ako ng tingin sa haba ng sinabi niyang iyon. Hindi ako nagbigay imik kundi ay tumango lang ako bago siya tuluyang lagpasan.

“Bahala ka sa buhay mo kung anong gusto mo‘ng gawin. If you want to stay here alone, bahala ka. Aalis ako dahil marami akong items na shipping today...”

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now