PAGPAPAKILALA

677 19 0
                                    

Chapter 45

Cordalphia Pov.

Dahil sa nangyari kay maurice hindi muna ito pumasok kinabukasan. Hindi ko malaman kung bakit biglaan na lamang itong nilagnat, matamlay din siya at hindi gaanong kumain ng almusal.

“Are you okay baby? We‘re going to your doctor today. Huwag ka munang papasok..” ngumuso ito sa sinabi ko. Nakahiga ito sa kanyang kama dahil katatapos lamang niyang kumain.

“Ayos lang po ba na mag-absent today? Baka po may ma-missed akong school work..”

Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang mukha. “No, it‘s okay. Nagpa-alam na ako kay teacher. Magpagaling ka muna daw bago ka pumasok..”

“Si maureen po?”

“Maureen is already in school..”

“Wala po ba siyang fever? Baka mahawaan ko po siya ng sakit..” umiling ako.

“No, your sister is okay. Gagaling ka rin, mawawala din ang fever mo after natin magpa-consult..”

“Tutusukin po ba nila ako?”

Umiling ako. “No, baby...” ngumiti siya ng tipid. Natatakot kasi si maurice sa mga injection. Ngunit hindi naman na siya umiiyak, hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano-ano ngayon kung bakit biglaan ang pagkakaroon niya ng lagnat.

Maayos lang naman siya kahapon, pero bakit biglaan na lamang siyang naging matamlay?

“Masakit po ang head ko mommy...”

Muli ay binalot ako ng pag-aalala bago haplusin ang ulo nito. “Gusto mo pa ba ng tubig?”

“Yes po, i want to sit po..” dahil sa sinabi niyang iyon. Tinulungan ko na siyang maupo, tumayo na rin ako upang kunin ang tubig nito sa gilid ng mesa. Ngunit pagharap ko sa aking anak. Bigla ko na lamang nabitawan ang hawak ko‘ng baso dahil sa nakita.

“M-mommy may blood p-po...” natataranta akong lumapit sa kanya upang punasan ang dugong lumabas sa ilong nito. Ang kamay ko‘ng nakasuporta sa kanyang likuran ay halos nanginginig na sa takot.

“L-let’s go baby, w-were going to ospital na...”

Nag-angat siya ng tingin sa akin. “P-po? Akala ko ba hihintayin natin si daddy rico?”

“No, baby. I will call your daddy..”

“May real daddy po ba?” kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago tumango. Dahil doon, bigla siyang ngumiti ngunit nabura din iyon. “My head is aching po mommy. Bakit po?”

Hindi na ako nagbigay sagot sa aking anak. Binuhat ko na ito upang ilabas na ng kuwarto niya. Umalis kasi ngayon si rico dahil may dadaluhan lang itong meeting, babalik din naman na siya agad dahil napag-usapan naming ipapa-check up si maurice. Si stuart naman ay nasa mansyon nila tita mel, may inaasikaso rin sila doon kaya hindi ko na sinabi ang kundisyon ni maurice.

Kaya‘t mag-isa lamang akong tumungo ng ospital ngayon. Wala din naman akong makakasama dahil ang yaya nila ay nakabantay kay maureen sa school. Ang guard namin ay hindi pwedeng umalis na bahay at isa pa‘ng kasamahan namin ay siyang driver nila maureen kanina.

“Ano po‘ng nangyari sa bata?” iyon ang tanong ng nurse matapos ko’ng pumasok ng ER. Pinaupo nila ako sa isang upuan upang itanong ang lagay ng bata.

“Nilalagnat po siya, bigla na lang po‘ng dumugo ang ilong nito ng maupo siya..” tumango ang nurse bago i-check ang temperature ng aking anak. Lalo akong nag-aalala ng makitang. 39.7 ang taas ng lagat ni maurice.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now