Chapter 43
Cordaphia Pov
Lahat ng nalalaman ni stuart tungkol sa nangyari kay stevan, sinabi niya lahat sakin. Binanggit niya lahat iyon habang nakikinig ako sa loob ng kotse.
Alam ko‘ng naging mahirap din kay stevan ang ilayo ko ang aking mga anak. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni stuart na nasaktan din siya sa pagkawala ko, may nabanggit din ito sa akin na hindi naniniwala si stevan na namatay ako.
Ang iniisip ni stevan, nagpaka-layo ako kasama ng aking kambal. Natukoy din ni stevan ang ginawa ko‘ng pagpapanggap noon bilang olivia policarpio. Alam niya na ako mismo ang kumuha sa mga anak niya, pinagsisihan daw nito lahat ng ginawa niya sakin. At lahat ng ginawa niyang iyon ay kasama lamang sa plano niya upang tuluyang madakip sila agaton.
Ngunit lahat ng nalaman ko, ipinagsa-walang bahala ko na lamang. Nangyari na iyon, nakaraan na lahat ng nalaman ko. Ang importante sa akin ngayon, masaya na kami ng mga anak ko. Hindi na muli akong masasaktan, hindi na ako iiyak ng dahil lamang kay stevan.
“Mommy..” nilingon ko ang aking anak na si maurice matapos niya akong tawagin. Nakauwi na kami mula sa paaralan, nabihisan ko na sila ng damit pambahay at ginagawan ko na sila ng kanilang makakain.
“Yes? Do you need something? Gusto mo pa ba‘ng dagdagan ko ang lulutuing miryenda?”
Umiling siya. “About po kay daddy..” dahil sa nabanggit niya, naglaho ang aking ngiti. Unti-unti iyong napalitan ng kaseryosohan dahil lamang sa nais niyang sabihin. “Someone told me po about him, sabi po niya. Baka hindi naman po talaga bad si daddy, he just want our safety po kaya nagiging vad guy siya..” napipilitan akong ngumiti bago hawakan ang magkabilang pisngi ni maurice.
Dahil sa pagtatago ko kay stevan, kinailangan ko ‘ring palitan ang kanilang pangalan. Ngunit nagkamali ako, alam ko‘ng matagal na kaming nahanap ni stevan. Alam ko‘ng marami siyang koneksyon, imposibleng ngayon lang niya nalaman ang ginagawa ko. Ang ikinapag-tataka ko lamang ay kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa mga anak ko.
“Yes, baby. May ginagawa nga na bad things si daddy. Kaya‘t kailangan malayo tayo sa kanya, dahil hindi tayo safe.”
“I want to see daddy po, ayos lang naman po sakin na may iba akong daddy. Kaso po, i want my real daddy po sana..” natigilan ako sa sinabi ng aking anak. Kung noon ay hindi siya nagtatanong about kay stevan. Basta‘t sinabi ko ng masama ang daddy niya, hindi na ito nag-usisa pa. Maging si maureen, hindi rin naman din iyon nagtatanong dahil nga iyon na ang itinatak ko sa isip nila.
Ayoko namang sabihin na patay na si stevan, hindi ako ganoon kasama. Hindi ko gagawin iyon, at saka. Ang sinabi ko lang naman sa kanila ay ang katotohanan, totoong gumagawa ng masama si stevan kaya‘t nararapat lamang na lumayo kami.
“Are you both fighting po ba kaya hindi na kayo nagsasama?” nakagat ko ang labi bago mapilitang ngumiti. Masasabi ko nga na napaka-talino nitong anak ko, wala yata akong maitatago sa kanya dahil sa talino nitong meron siya.
“May mga bagay talaga anak na hindi pwedeng magsama na. Dapat seperate na sila, your mommy is not happy with your dad. May trabaho kasi ang daddy mo na hindi gusto ni mommy, im sorry...”
Ngumuso ang anak ko. Alam ko‘ng hindi niya pa sa ngayon naiintindihan. Ngunit nais ko‘ng sabihin ang totoo, ayokong magsinungaling dahil lumaki sila. Darating ang panahon na malalaman din nila ang totoo kaya‘t halos katotohanan lamang ang sinasabi ko.
“Where is daddy po ba? Nasa states din po ba ito like tito rico?” hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Natulala na lamang ako sa kanyang mukha hangga sa marinig ko na lamang ang timer ng oven. Dahil doon, nawala ang focus ng aking anak sa akin. Sakto din ang pagpasok ng isang lalake na buhat-buhat ang aking anak na si maureen. Nagulat man ako sa pagdating ni stuart, hindi na ako nagtanong pa. Sinalubong na rin kasi siya ni maurice kaya‘t ang dalawang anak ko na ngayon ang buhat-buhat niya.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
Любовные романыCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...