Chapter 2
Cordaphia Pov
Nasa restaurant pa rin ako ng ginang kung saan ay pinakain niya ako ng best seller nilang putahe. Hindi ko alam kung anong pangalan ng kinain ko, pero ang malinamnam na karne ay nanunuot sa aking dila.
Ang bait nga ng owner sa akin, iyong tipong binigyan niya pa ako ng dessert at malamig na inuming ice tea. Sinusuri ko ang kanyang ngiti habang umiinom, may kailangan kasi siya kaya't eto ay biglang bumait.
Magkakapera iyan sa akin ngunit ano naman sakali ang mangyayari sa buhay ko kung ibibigay niya ako sa mga villegas?
”Dadalhin kita sa kumpanya ng mga villegas..” madali ko'ng nailunok ang malamig na iced tea sa sinabi nito, sabi ko na nga ba. May kailangan siya kaya't binigyan ako nito ng pagkain, mukha na siguro akong pulubi kaya nakikitaan ako nito na sabik sa pagkain.
”H-hindi ko po kilala ang mga villegas na 'yon, hindi ko alam kung anong kailangan nila sa'kin..”
”Mukhang wala ka namang atraso sa kanila, wala ka namang kaso at bukod tanging hinahanap ka lang nila..” napatitig ako sa ginang, pinaghahanap nila ako samantalang hindi ko naman sila kilala?
”Kung ako sa'yo, sumama ka na lang dahil baka may kailangan ang mga villegas sa'yo..”
”Sino po ba ang mga villegas na 'yan?”
”Mayayaman silang tao, dito sa manila ay kilala sila..” sinuri nito ang mukha ko bago ang aking kasuotan. "Hindi mo ba sila kilala?”
"Hindi ho..”
”Sus, kaya naman pala. Pero kung ako sa'yo, pupuntahan ko ang mga villegas na 'yon, pinakamayaman na tao sila dito sa manila, negosyante at talagang bigatin sila..” wala pa rin akong ideya kung sino ang mga taong iyon, ni hindi ko sila kilala dahil hindi rin naman ako taga rito.
Ngunit nakakapagtaka lang na may kailangan sila sa akin?
Muntik pa akong himatayin dahil buong akala ko'y may kasalanan na ako sa batas, pero wala naman na akong ginawang masama. Malinis ang pangalan ko dito sa manila, except lang sa mga bansang pinuntahan ko dahil marami na akong record doon.
”H'wag kang mag-alala sasamahan naman kita at hindi iiwan..” pailalim ko'ng tiningnan ang ginang, sa itsura nito'y wala akong tiwala sa kanya.
Mukha kasi siyang pera.
”Kung sakali man na ibigay ng villegas ang perang pabuya ay hahatian kita, tutulungan kitang maka-uwi kung saan ka man nakatira..”
Pinaglapat ko ang labi, bigla akong nagkaroon ng interes ngunit nagdadalawang isip ako. Paano kung hindi na ako maka-alis doon? Paano kung kunin ako ng mga villegas at gawing alipin sa kanilang palasyo?
Napapaling ang aking ulo.
Pero sayang kasi ang pera, kung sakaling totoo nga itong sinasabi ng babaeng ito ay makaka-uwi na ako kay lola.
Tumango-tango ako, madali lang naman tumakas kung sakaling masamang tao sila. Wala namang masama kung hindi ako makikipag-sapalaran.
Sa ngalan ng pera.
KASAMA ang ginang ay sumakay kami ng taxi patungo sa sinasabi niyang kumpanya, malayo ang binyahe namin at medyo may katagalan dahil na rin sa traffic. Ngunit ng makita ang kumpanyang iyon ay napawi ang pagod na natamo ko sa biyahe.
Halos mabali ang leeg ko sa sobrang pagkakatingala sa taas ng gusali, hindi ko matanawan ang dulo dahil nasa mismong ibaba ako.
”Halika na..” hinila ako ng ginang, suot ang isang facemask at sumbrero ay nilakad namin ang sliding door na may nakaharang na guwardya.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...