Panganib

686 30 3
                                    

Chapter 35

Third Perosn Pov.

“Kinasuhan ni stevan ang asawa niya.” nangunot ang noo ni agaton dahil sa ibinalitang iyon ni ryan. Matagal ng nakauwi si agaton sa pilipinas, ngunit ang pag-uwi niyang ito ay walang nakaaalam maski isa sa kanyang anak-anakan.

Alam niyang nagkaroon ng kaguluhan noon ng mawala si daphia habang buntis siya. Hindi rin nito inaasahang malilinlang ito ng dalaga dahil sa pagpapanggap nito bilang dahlia gostavo, hindi niya iyon matanggap. Halos mangalaiti ito sa galit ng malaman niya iyon kay ryan.

Magkasabwat ang dalawa noon pa man, dahil nais maghiganti ni ryan. Hindi ito nagdalawang isip na pumanig sa amahin nila stevan. Nilalamon rin ng galit si ryan tulad lamang ng nararamdaman ngayon ni stevan.

“Why does stevan did that? Hindi ba niya nakikilala ang asawa niya?” humalakhak si agaton dahil sa ginawang kapalpakan ni stevan. Inutusan nga nito ang butler ni stevan na pagpalitin ang DNA test nilang dalawa. Upang sa ganon, hindi makulong ang anak niyang si dahlia at si cordaphia lahat ang sasalo sa kaso nito.

“Maybe no, isa siyang mangmang! Nararapat lang na magdusa silang pareho, gusto 'kong tuluyan silang maghirap!” nakaupo si butler ryan sa harapang pwesto ni agaton. Samantalang ito ay nasa swivelchair niya habang inuubos ang kanyang sigarilyo.

“Sang-ayon ako sa sinabi mong iyan, katuwang ko sa pagpapalago ng negosyo si amelia. Pero hindi ko akalain na iiwan lang niya lahat ng pera kay stevan, ginawa lamang akong kasangkapan ni amelia upang hindi siya mapahiya sa medya! Hindi ko iyon makakalimutan!”

“Ano ba ang gusto mong gawin ko sa ngayon?”

Tinitigan siya ni agaton dahil sa tanong niyang iyon, kalaunan ay ngumisi siya na para bang may naisip agad na plano.

“Visit the real cordaphia in jail today, takutin mo siya. Pagbantaan at kung ano pa man, siguraduhin mong hindi na nito babalikan si stevan..”

Hindi nagbigay imik si ryan dahil sa sinabing iyon ni agaton. Hindi sana nais idamay ni ryan si cordaphia ngunit naroon na siya. Ano mang gawin ni ryan ay tiyak na mapapabilang ito dahil si cordaphia lamang ang babaeng mahal ni stevan sa ngayon.

“Alam kong mapatutunayan nilang mali ang DNA test, siguradong makalalaya na ang totoong cordaphia. Ngunit hindi na sila maaaring magkita ni stevan, kailangan may gawin ka.”

“Anong gagawin ko?”

“Pasabugin mo ang kotseng sinasakyan nila..” natigilan si ryan dahil sa ini-utos ng ginoo. Hindi niya nais gawin iyon kay cordaphia dahil kahit hindi nila gawin iyon ay kusa ng lalayo ang dalaga kay stevan.

“Ngunit sa kotseng iyon ay naroon si stuart, sigurado ba kayo?”

“Stuart isn't my child, mas mainam na mabawasan sila..”

Nag-iwas ng tingin si ryan. Alam nito ang maaaring gawin ni agaton sa oras na hindi nito magawa ang utos niya. Dahil na rin nakipag-sabwatan na ito kay agaton ay para na rin niyang ipinagkalulong ang buhay niya sa dem*nyo. Walang pinipiling tao si agaton sa oras na traydurin mo ito, para ba siyang si stevan kung kumilos. Handa niyang patay!n ang isang tao kung malaman niyang babaligtad ito sa kanya.

“Aalamin ko kung kailan maaabsuwelto si cordaphia, gagawin ko ang gusto niyo....”

Dahil sa plano nilang iyon, agad ng kumilos si ryan upang bisitahin nga si cordaphia. Tanghalian ng tumungo ito ng sukulan, gaya ng sabi ni agaton. Pinagbantaan nga niya si cordaphia at kung ano-ano pa ang sinabi nito.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now