Chapter 47
Cordaphia Pov.
DAHIL sa mga sinabi sa akin ni stevan, hindi ako halos nakatulog. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Para ba‘ng isa akong dalaga na hindi malaman ang dahilan matapos siyang pagsalitaan ng ganoon.
Alam ko‘ng lumipas na ang nangyari. Matagal ng panahon noong tumibok ang puso ko kay stevan. Ngunit hindi ko alam na magagawa pa rin niyang pabilisin ng ganoon ang puso ko.
Sinasabi ko sa aking sarili na galit lamang ang nararamdaman ko kay stevan. Na wala na akong natitirang pagmamahal dito dahil sa ginawa niya sa akin.
Ngunit bakit ako nagkakaganito?
Naguguluhan ako.
Ang usapan lamang namin ay ang mga bata. Ngunit bakit nais niya pa‘ng bumalik kami sa dati?
“Normal na ulit ang resulta ng dugo ni Maurice. Wala na rin negative result sa mga last test niya, makaka-uwi na ito ngayong araw..” dahil sa sinabing iyon ng doctor, para ba akong nabunutan ng tinik. Tuluyan na akong nakahinga ng maluwang at nawala na ang aking pag-aalala.
Mahigit isang linggo din kaming narito. Nakita ko kung paano naging malakas ang anak ko, saksi ako kung paano siya naging matapang sa kabila ng sakit na pinagdaraanan niya.
“Maraming salamat po doktora. Susundin namin ang mga payong sinabi mo sa amin, salamat po talaga.”
“No problem Ms Georgina. Pakibili na lang ang nirecommend ko‘ng vitamins, para maiwasan na ang mga infections..”
Tumango akong muli sa sinabi niya. Dahil nga magaling na si Maurice, makaka-uwi na kami ngayong araw. Hindi ko pa nga lang nasabi ito kay stevan dahil umalis ito kaninang madaling araw. Ang sabi niya ay agad siyang babalik ngunit hindi naman na ako nagbigay tugon. Narito naman din si Rico kaya‘t may sasakyan kaming gagamitin.
“Tumawag sa akin si Stuart, pauwi na siya. Baka sa bahay na lang daw natin siya maghihintay..”
“Kumusta na ba si tita Mel?” habang naghihintay kami ng nurse upang tanggalin na ang swero ni Maurice. Nag-usisa muna ako kung anong nangyari kay tita Melinda. Nasabi sa akin ni Rico na isinugod pala ito ng ospital kaya medyo abala si Stuart. Iyon din ang naging rason kung bakit hindi ko na ibinalita kay Stuart ang nangyari kay Maurice.
“Naoperahan siya noong isang araw. Iyon ang nasabi sakin ni stuart, nabanggit ko rin ang nangyari kay Maurice. Ayun nagulat siya at nag-alala.”
Napabuntong hininga ako bago tumango. Nais ko sanang makita si tita melinda ngunit baka masyado siyang magulat, siguro ay hihintayin ko muna itong gumaling ng tuluyan bago ako magpakita na. Kailangan ko ng lumabas, kailangan ko ng ipakitang muli ang sarili ko dahil alam naman na din ni stevan ang katotohanan. Siguro naman ay wala ng manggugulo, wala ng kapahamakan na nakabantay dahil wala na si agaton.
Matapos naming mag-usap ni rico, dumating na rin ang nurse upang tuluyan ng alisin ang swero sa kamay ni Maurice. Pero hangga ngayon ay wala pa rin si stevan. Hindi ko alam kung anong inaasikaso niya at medyo natagalan na naman siya.
Kalahating oras pa ang lumipas bago kami tuluyang lumabas ni Maurice, si Rico na ang nagtungo sa cashier upang magbayad ng bills dahil nauna na kaming sumakay ni Maurice sa kotse.
“Mommy where is daddy po? Why his not here po para kasama natin siyang umuwi?”
Tipid na ngumiti ako sa aking anak. “Daddy needs to sign paper on his office. Don‘t worry baby, daddy will going to visit you..”
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomansaCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...