Chapter 48
Third Person Pov.
Sa loob ng ilang araw nilang pagsasama, naging masaya naman na ang kambal dahil sa wakas ay naramdaman nilang kapiling ang tunay nilang ama.
Kung gaano kalaki ang nararamdamang kagalakan ng mga bata, mas higit na lamang ang nararamdaman kasiyahan ni stevan ngayon sa puso niya.
Nang araw na dumalaw si stevan sa bahay ni cordaphia. Doon na din niya tuluyang naipakilala ang sarili sa anak niyang babae na si maureen. Alam ni cordaphia na wala siyang magagawa matapos nilang makilala ang tunay nilang ama.
Kung nais man manatili ni stevan doon, hindi ito makapag-rereklamo. Dahil sa oras na gawin niya iyon, paniguradong ang mga bata lang ang magtatanong sa kanya.
"When did you learn to write your own name?" stevan asked her daughter while they sitting on living room. Nasa gitna si stevan habang ang dalawang kambal ay nasa gilid niya.
Ngayong araw na ito ay pa'ng isang linggo na ni stevan na narito siya sa bahay. Hindi naman na siya natutulog dito dahil nirerespeto pa rin naman niya ang desisyon ni cordaphia. Ngunit nais niyang mangyari iyon, ayaw na nga niyang umuwi at kung pwede ay doon na lang siya manirahan kasama nila.
"Last year po daddy, mommy teach us po. Even without tracing we can write any letter po.." stevan nodded before maureen answer his question, he was really amazed because of them. Nakapagsusulat na nga sila sa edad na apat, they already know how to color properly. Magbilang at sabihin ang kulay at hugis ay alam nila, hindi niya maiwasang humanga dahil nagawang palakihin ni cordaphia ang mga anak niya na matalino at mababait.
"Next school year you'll gonna learn how to read. I will teach you, and your brother.."
"Kuya maurice can read na po, tagalog po.." nilingon ni stevan ang anak niyang lalake dahil sa sinabing iyon maureen.
"Do you know how to read already?"
"Yes po daddy, abakada po. Mommy brought me a reading book po when i learn to read abakada.."
"Maurice is a advance learner.." iyon ang sinabat ni cordaphia matapos niyang mailapag ang kanilang miryenda. Dahil doon, nawala na sa focus ang pag-aaral ng mga bata dahil natuon na iyon sa pagkain.
"I see.." tumatango si stevan matapos niyang panooring maupo si cordaphia sa harapan nila. Araw ngayon ng linggo, walang pasok kaya't naroon lamang sila sa bahay.
"Maureen can draw, her hobby is painting and she know how to sing.."
"Wow, i didn't know that.."
Ngumisi lang si cordaphia bago ilipat ang atensyon sa kambal na ngayo'y abala na sa pagkain. Medyo kumportable naman na siya ngayon sa presensya ni stevan dahil araw-araw itong dumadalaw, gabi na nga ito umuuwi pag nakakatulog na ang mga bata. Hindi kasi nakaka-alis si stevan kung gising ang dalawa, hindi sila pumapayag na umalis ito kaya't nagpapanggap lamang si stevan na doon siya natutulog. Kaya't bago pumatak ang alas sais ng umaga ay naroon muli sa bahay si stevan upang maabutan na siya ng dalawang anak niya.
"We're leaving today.." iyon ang paunang anas ni cordaphia habang tahimik ang mga anak nila. "I decide to go home and stay there for a weeks. Hindi muna papasok ang mga bata.." dahil sa sinabing iyon ni cordaphia, umayos sa pagkaka-upo si stevan dahil nakuha na nito ang nais niyang sabihin.
"Kung iyon ang gusto mo, ako na ang bahala sa teacher nila.."
"Nakapag-paalam na ako sa kanya noong biyernes, sinasabi ko lang ito sayo dahil sigurado lang na nais ka nilang makasamang tumungo doon.." mabilis na tumango si stevan sa sinabi niyang iyon. Hindi man lang ito nag-isip o nag-alinlangan sa gagawin niya. Basta't pumayag na lamang ito kung ano ang siyang sinabi ni cordaphia.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomansaCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...