Chapter 12
Cordaphia Pov.
Sa pagmulat ng aking mata ay kisame ng aking kwarto ang nakita ko. Iniisip ko ang nangyari kung bakit ako narito at nakahiga.
Makati ang kaliwang leeg ko. Maging ang isa kong hita ay parang may kumagat na lamok doon.
Pinilit kong bumangon ngunit nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ng side table.
"Keep lying." nilingon ko iyon. Si seniorito stevan ang nagsalita na may tinig na dapat sundin mo ang kanyang sinabi. Napalunok ako, kunot ang kanyang noo. Ang mata niya'y matalim na nakatitig sa akin.
Dahan-dahan muli akong nahiga. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin bago ito maupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga.
"How was your feeling?" ang tinig nitong matigas kanina ay biglaang lumambot. Ngayon ko naisip ang nangyari kung bakit ako nakahilata rito.
Hindi agad ako nakasagot. Ang pumasok sa isip ko ay si don agaton. Nangamba ako bigla, bistado na ba ako? Magagalit ba siya sakin at ipapatapon na ako dito?
"Daphia." muling bumalik ang wisyo ko sa boses ni seniorito. Kunot na ang noo nito, nagagalit na naman siguro dahil hindi ko sinagot ang katanungan niya kanina.
"A-ayos lang ako."
"Are you sure your really okay?"
"O-oo. Kailangan ko lang uminom ng gamot."
"You already have a medicine here. Pinahanda kita ng maka-kain, you need to eat first."
Marahan akong tumango. Mariin pa ang titig niya sakin na siyang nagpaiwas ng tingin ko sa kanya.
"Why did you eat that food if you know that your allergy in seafood!" bumalik ang tingin ko rito. Galit na ang tinig niya at hindi na nawawala ang pagkakakunot ng kanyang noo.
Napalunok ako.
"Nakakatakot kasi ang tatay mo. Mukhang ako ang kakainin kung hindi ko kinain 'yon"
Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay.
"But you put your life in danger. Paano na lang kung may mangyaring masama sayo?"
Napanguso ako. "Wala naman nangyari, seniorito. Buhay ako at simpleng allergy lang 'to."
"I dont fvcking care! Next time dont do that again!"
Napaigtad ako ngunit hindi nawawala ang pagkakanguso ng aking labi. "Do that what, seniorito?"
Masamang tingin ang ipinukol nito sa akin. Kinagat ko ang labi dahil sa tingin niyang iyon.
"Pinagloloko mo ba akong babae ka?"
"Nagtatanong lang naman ako ng maayos. Ano ba ang hindi ko na uli gagawin? Ang kumain ng seafood ba?"
"Yes, Exactly. Do you want to repeat that again?"
"Paano kung pakainin muli ako ng tatay mo?"
"Just ignore that old man."
Napanguso ako. Grabe naman siya kung makatawag sa tatay niyang matandang lalake. Walang modo, walang pakialam kung anong isipin sa kanya ng ibang tao.
"Tomorrow we will go back home to his mansion. Sa susunod na linggo ang ating engagement party."
Napamaang ako sa sinabi ni seniorito. Sa susunod na linggo na? Napaka-bilis naman yata?
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...