Chapter 36
Third Person Pov.
"Condolence, mr villegas." walang emosyon si stevan habang nakaupo sa isang pwesto. Diretso lamang ang kanyang paningin kahit na dinaragsa ang unang burol ng asawa niya.
Hindi pa rin ito kumbinsido na totoong patay na ang asawa nito. Gagawa pa rin siya ng paraan upang hanapin si cordaphia kahit na nasa harapan ngayon ang abo nito.
Hindi ito papayag na ganito lamang ang mangyari sa kanila. Sa katapusan ng burol ni cordaphia, mag-uumpisa si stevan na gumanti. Ngunit ang kaso lamang niya ang kanyang iniisip, hindi ito sigurado kung mababasura ang kaso niya kung ang nagsampa nito ay nawala na.
"Walang cctv sa lugar kung saan sumabog ang kotse. Ngunit sa ilang nadaang cctv footage ng sinasakyan nila ay kumpirmadong si cordaphia nga ang nakasakay sa loob.." hindi nagbigay imik si stevan sa sinabing iyon ng imbestigador. Pinaimbestigahan kasi nito ang bawat cctv na nadaanan nila cordaphia.
Dahil nga hindi siya kumbinsido sa sunog na bangkay. Gagawa ito ng paraan upang patunayan niya iyon sa kanyang sarili na hindi iyon ang kanyang asawa.
"Then go, leave and never show your face again." iyon ang siyang sagot ni stevan sa private investigator na kinuha niya. Malaki ang perang ibinayad ni stevan dito ngunit wala din naman pala siyang mapapala.
Dahil sa sinabing iyon ni stevan, agaran ng lumisan ang lalake upang lumabas na. Doon rin dinukot ni stevan ang kanyang cellphone upang tawagan ang isang tauhan niya.
"Where did that stuart go?" iyon ang tanong niya sa isang tauhan nito na kanyang inutusan. Nais niyang malaman lahat ng ikinikilos ni stuart at kung saan ito pumupunta. Alam niyang may itinatago ang kanyang nakatatandang kapatid, hindi maaaring magkamali ang kanyang kutob dahil mabigat ang pakiramdam nito sa nangyayari.
"Tumungo ng mansyon si stuart sir, binisita nito ang mga kamabal."
"Nasaan si dahlia? Nag-uusap ba silang dalawa?"
"Hindi sir, malayo pa rin ang loob ni dahlia sa kanya. Nasa silid siya ngayon.." bumuntong hininga si stevan, nasa mansyon ngayon ang tiyahin niyang si melinda. Inaasikaso nito ang mga kambal kung kaya't nag-iisa si stevan na narito.
Hindi rin malaman ni stevan kung paano sasabihin sa mga kamag-anak ni daphia ang nangyari kung sakaling totoo 'ngang patay na ang dalaga.
Walang siyang makapang-irarason kung kaya't mas minabuti na muna niyang manatiling lihim na ang lahat. Sa kabuuan ng balita, alam nila na ang babaeng namatay ay si dahlia gostavo. Nalaman niya iyon dahil karamihan na lumalabas sa telebisyon ay pangalan ni dahlia ang siyang lumalabas. Doon pa lang ay nagduda na siya, tiyak na pinlano ito ni stuart upang tuluyan ng mabura si dahlia. Alam na alam niya ang takbo ng isip nitong nakakatandang kapatid niya, ang hindi lamang niya malaman ay kung saan nito dinala ang totoong cordaphia.
"Bantayan mo ng maigi ang lalakeng 'yan. Alam kong may itinatago siya at kailangan 'kong alamin mo iyon." iyon muli ang utos ni stevan sa tauhan niyang nagmamanman kay stuart. Ngunit hindi nila makikita si cordaphia sa ngayon, masyado ng privado ang lugar na tinataguan nito at kung maaari ay huwag muna siyang bisitahin ni stevan.
Ang abogado nito ang kasama niya at isang tauhan ni stuart na pinagkakatiwalaan niya. Medyo may kalayuan sila sa syudad, maganda ang rest house na kinaroroonan nito habang natatanaw ang ilang bulubunduking tanawin. Tulala lang ang dalaga matapos niyang mapanood ang balita, tuluyan na ngang nalaman ng lahat na namatay na siya. Ngunit hindi pa rin siya mapakali dahil wala sa piling niya ang kanyang mga anak.
Binabalot pa rin ito ng pangamba lalo na at kilala na nila ang totoong kalaban. Si ryan na pinagkatiwalaan niya at halos makasama ng ilang buwan, hindi makapaniwala si cordaphia na magpapalamon din sa galit ang binata. Nakaya niya itong gawin iyon sa kanya, paano na lamang pala kung hindi nalaman ni stuart na may bombang nakapaloob sa kotse? Siguradong totoong namatay na silang tatlo ngayon.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...