Chapter 7
Cordaphia Pov.
Sakay ng itim na kotse ay prente akong nakaupo sa tabi ni stevan, salubong ang kanyang kilay habang nagmamaneho dahil tila hangga ngayon ay iritable pa rin siya dahil nga nakita kami nitong nag-uusap ni stuart.
Hindi ko maiwasang mapanguso dahil sa pagkakabusangot ng kanyang mukha, ang gwapong lalake pero dinaig pa ang menopause na babae kung umakto ng galit.
Paano ba mawawala ang galit ni señiorito?
Gusto ba niyang kantahan ko siyang muli upang kumalma siya?
O kaya di naman, nais nitong pagsilbihan ko siya hanggang mamayang hapon kaya't isinama niya ako sa kanyang kumpanya.
"Why are you staring at me!" napanguso ako sa pagalit niyang tanong, bawal ba siyang tingnan? Nag-iisip kasi ako kung paano maaalis ang pagkaka-kunot ng noo niya.
"Galit ka ba sakin sir?"
"It isn't obvious?"
"Halata nga sir, pero dahil nagagalit ka kaya hindi ako kumportable.." nilingon niya ako, hindi pa rin maayos ang mukha niya kahit pa na nakatingin na ito sakin.
"I told you not to talk to stuart, but you still chose to disobey me!" yumuko ako sa aking kamay, nanatiling nakanguso.
"Bakit naman kasi bawal?"
"Just follow what I said, don't ask any more questions!"
"Ang bait naman kasi ni señiorito stuart, at saka pa. Magkapatid kayo, huwag mo dapat siyang ginaganyan.." muli ay masamang tingin ang ipinukol nito sakin.
"He is not my brother! I will never consider him a brother because he killed my mother!" animoy batong nanigas na lamang ako sa aking kinauupuan, nakakatakot si señiorito stevan habang isinisigaw niya iyon sa akin.
Hindi ako nakapag-salita.
Nais ko'ng magtanong ngunit tila pribadong bagay ang papasukan ko.
"I don't want to see you talking to him anymore, dahpia. because you won't like what I'm going to do to you!"
Hindi na ako nagbigay sagot pa, bahagya akong nasindak kay señiorito dahil kakaiba siya kung magalit. Simpleng bagay lamang na pakikipag-usap kay stuart ay naging big deal na iyon sa kanya.
Malaki ba ang galit niya sa kanyang nakakatandang kapatid?
Ano ba ang tungkol sa sinabi niyang pinatay nito ang kanyang ina?
Si stuart ang pumatay?
"GoodMorning, sir.." nauuna sa akin si señiorito stevan ng lumabas ng kotse, may bumati na agad ritong lalake na naka-itim.
Dalawa sila at may salamin na itim rin, sapatos itim, relos at buong kasuotan.
Para silang mga bodyguards sa pelikula, at ang pinaka-bigg boss nila ay si señiorito stevan.
Hindi ko namalayang nahuli na ako sa kanila, tumakbo habang nagsisiyukuan ang mga nakakakita kay seniorito. Grabe naman, para siyang prinsipe. Ginagalang siya dahil boss ito, at ako ang pinaka-maswerte dahil ako lamang ang nagsisilbi sa kanya.
Natawa ako bago mailing, saan ba ako swerte? Ang init nga ng ulo niya lagi. Madalas pa nitong guluhin ang cabinet pag hindi nakikita ang isusuot.
"Bawal kayong pumasok.." natigilan ako sa guwardyang humarang sa akin, tanaw ko na si señiorito sa malayo habang nasa entrance palang ako.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...