DNA TEST

665 19 2
                                    


Chapter 32

Third Person Pov.

Hindi makapaniwala si dahlia matapos nitong marinig ang sinabing deal ni stevan. Halos sampong milyon iyon at kung nanaisin ng dalaga ay maaaring pang doblehin iyon ng binata.

Ngunit nagtataka siya at hindi naman din agad pumayag sa alok ni stevan. Kahit alam niyang malaking halaga iyon ay hindi ito papayag basta-basta na sumama sa hindi nito kilala.

Tumaas ang kilay ni dahlia hudyat na hindi nila ito nasilaw sa halagang sinabi ng binata.

“Bakit ako sasama sa inyo kapalit ng perang iyon? Hindi ko kayo kilala, at mas lalong hindi ko alam kung anong totoong pakay niyo sa amin dito!” sumama ang timpla ni stevan dahil sa narinig, ang makakapal niyang kilay ay madaling nagsalubong habang ang mata nito'y matalim na nakatuon kay dahlia.

“I won't do anything to hurt you, i just want to prove that you are really cordaphia.” nangunot ang noo ng dalaga dahil sa sinabi niya. Dahil wala naman talagang maalala si dahlia sa nakaraan niya, naguguluhan ito sa sinasabi ni stevan.

“Ano bang pinagsasabi mong lalake ka? Bakit kailangan mong patunayan na ako si cordaphia? Bal/iw ka ba? Bakit mo ba sinasayang ang oras mo sa isang tinderang tulad ko?”

“Why don't you just follow what i'd said! I will give everything that you've wanted! Lahat ng gusto mo ibibigay ko, just come with me because your the answer on my question!”

Napailing ng ilang beses si dahlia habang natatatawa. “Anong answer on my question ang sinasabi mo? Pwede ba! Hindi ko kayo magets, sumasakit ang ulo ko sa inyo at kung makipag-bibiruan kayo! Huwag sakin!  Wala akong time maki-good time ngayon kahit kanino!”

Akma itong tatalikod ng bigla'y hulihin ni stevan ang braso niya. Natigilan si dahlia dahil sa sobrang higpit ng hawak ni stevan doon. Pinilit nitong bawiin ang braso niya ngunit malakas si stevan at mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak doon.

“If your not going to come with me, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Mag-isip ka, pag-isipan mo ang sinabi ko habang nakapagtitimpi pa ako, bibigyan kita ng kalahating oras. Matapos 'non, kung hindi ka lalapit sa kotse ko, pasasabugin ko itong lugar ninyo sa isang iglap lang..”

Marahan na binitawan ni stevan ang braso ni dahlia. Matapos 'non ay mabilis itong tumalikod upang umalis sa harapan ni dahlia na hindi halos makagalaw sa sinabi ng binata.

Ilang beses na napalunok ang dalaga habang nakatingin sa binatang papalayo. Kasunod nito si butler ryan at doon sa kotseng nakaparada ay pumasok si stevan, nananatiling nasa labas si butler ryan kung saan tumingin ito sa kanyang relos. Muling napalunok si dahlia dahil naalala nito ang binigay na palugit ni stevan na kalahating oras lamang siyang mag-iisip.

Dahil sa pagkabalisa, nilapitan siya ng lalakeng bata na kapatid ni cordaphia. Hinawakan niya ang kamay ni dahlia habang nakatingala ito.

“Ano pong kailangan nila sa inyo?” hinaplos ni dahlia ang mukha ng bata bago ito umupo upang pantayan ang mukha nito.

“Naghahanap lang sila ng kasambahay, pumasok ka muna sa loob. Kailangan kong tumungo ng pamilihan upang puntahan si lola, ikandado mo ang pinto. Huwag mo itong bubuksan hangga't hindi si lola o si lolo ang kakatok, maliwanag ba?”

Tumango ang bata sa sinabi ng dalaga  “Sige na, lakad na. Kailangan ng umalis ni ate, tandaan mo ang sinabi ko hm?”

“Opo!” mabilis na sinunod ng bata ang kanyang sinabi. Pumasok nga ito sa barong-barong nilang bahay kung saan mabilis na sinarado nito ang pinto. Agaran din ang pag-alis ni dahlia dahil nagmamadali itong makarating ng palengke. Sa kabilang daan siya dumaan kung saan pinara nito ang isang tricycle. Mabilis na nakakuha ito ng masasakyan at agad ng sinabi kung saan siya pupunta.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now