Heartless

643 22 2
                                    

Chapter 30

Cordaphia Pov.

Magkahiwalay ang sasakyan namin ni stevan patungo sa kanyang mansyon, kasama ko ang aking anak na lalake ngunit sa kabilang sasakyan naman ay naroon ang anak kong babae na si zia.

Medyo kinakahaban ako dahil sa ikinikilos ni stevan kanina. Idagdag mo pa ang lahat ng sinasabi nito sa akin na para bang kay laki ng galit niya. Naguguluhan ako ngunit hindi ko magawang magbato ng tanong sa ngayon, alam kong ako dapat ang magkaroon ng galit ngayon kay stevan dahil ngayon lamang niya kami hinanap.

Pero bakit tila nagkabaligtad ang sitwasyon at mas mukhang siya pa ang may matinding galit sakin.

Ano bang problema niya?

Nagalit ba ito dahil sumama ako sa kapatid niya?

Ngunit sinabi ko naman na sa kanya, sa oras na hindi ito magbago o hindi niya iwan ang kanyang organisasyon ay hindi ako nito makikita.

Niligtas ko lang naman ang sarili ko at ang pinagbubuntis ko sa kapahamakan.

HALOS nagtagal ang biyahe namin patungo sa mansyon ni stevan. Dito niya ako dinala noon kung saan nagsanay ako bilang dahlia. May nagbukas ng pinto sa amin at agad itong yumuko, balak ko sanang kunin ang aking anak sa babaeng may hawak nito ngunit nakita ko ng nakatayo si stevan sa labas ng kotse.

”Let her carry the baby first, go inside first. We have something to talk about.” iyon ang sinabi ni stevan bago ito tumalikod upang mauna ng pumasok sa mansyon. Gaya ng sabi niya, hinayaan ko muna ang aking anak sa may hawak dito at agad na akong lumabas ng kotse.

Sa bungad ng pinto, naroon si butler ryan na diretsong nakatayo. Yumuko siya ng makalapit ako rito bago niya ako ngitian na hindi ko naman madalas makita sa kanya.

”Nice to see you again, seniorita..” marahan na tumango ako, nais ko sanang magtanong kay butler ryan ngunit iniisip ko kasi si stevan dahil baka naghihintay na siya sa akin sa loob.

Ngumiti ako bago magpatuloy sa paglalakad, maraming kasambahay ang nakahilera sa gilid at doon sabay sabay silang yumuko habang naglalakad. Ngumiti lang din uli ako, sa bungad ng hagdan ay doon nakita ko si tita mel kung kaya't lumapit ako rito. Tipid siya ngumiti ng huminto ako sa harapan.

”Kumusta ka na?” nakangiti ito ng magtanong sa akin, mabuti pa siya. Tinatanong kung kumusta na ba ako, samantalang si stevan. Ni pagtatanong kung maayos na ba ang kalagayan ko ay hindi niya ginawa, agad ay kinuha niya ako sa puder ni stuart na walang tanong o permiso. Kung sabagay, may karapatan nga naman siya. Ngunit naguguluhan na talaga ako, parang ibang iba ngayon si stevan kumpara ng huli kaming magkita. Parang ibang tao na siya, bumalik ang awra nito noong una kaming magkita.

”Maayos lang po ako tita mel, humihilom na po ang sugat ko.” tumango siya, magdadalawang buwan na rin kasi ang lumipas ng macesarian ako. Ngunit alam kong hindi pa rin tuluyang humihilom ang sugat ko sa loob kahit na magaling na ang nasa labas ng aking tahi. May gamit pa rin akong gilder dahil natatakot pa akong alisin iyon, siguro sa susunod na buwan na lamang.

"Pagpasensyahan muna si stevan, marami lang kasi siyang iniisip sa ngayon. Pero mag-usap kayo ng maayos, nasa silid na siya ngayon.” bumuntong hininga ako bago tumango, hindi na rin ako nagtanong kay tita mel dahil tiyak na hindi rin naman niya ako sasagutin. Mas mabuting si stevan na lamang ang siyang harapin ko upang tuluyan ng maging klaro lahat sa akin.

Umakyat nga ako sa silid kung nasaan si stevan. Nasa swivel chair siya nakaupo, wala itong ginagawa kundi ang tapikin lamang ang kanyang daliri sa ibabaw ng mesa. Hindi ito tumingin sa akin kahit alam niyang nakapasok na ako sa loob, hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong kabahan kung gayong si stevan lang naman ang siyang nasa harapan ko.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now