Chapter 26
Cordaphia Pov.
Isinakay ako ni seniorito stuart sa kanyang kotse matapos naming lumabas ng ospital, desidido ako sa plano ko na talikuran muna si stevan hangga't hindi nagbabago ang isip niya. Mas mabuti na rin siguro ang naging desisyon ko para sa kaligtasan rin ng aking anak, kung patuloy na maghihiganti si stevan. Tiyak na mapapahamak kami sa kamay niya kahit anong protekta ang gawin nito.
Alam ko naman na masakit mawalan ng ina, ngunit masyado ng malalim ang sugat sa puso niya. Tila wala na yatang paraan iyon upang humilom pa ang sugat na iyon, masyadong siyang nilamon ng galit niya. Wala na sa tamang direksyon ang pinupuntahan nito ang lumilitaw ng masama siyang tao dahil nakakapat/ay na siya.
"You can still quit, daphia. Baka sabihin mo kay stevan na pinilit kitang magtago." nilingon ko si seniorita stuart, bahagya siyang nakatingin sa akin habang nagmamaneho.
Umiling ako. "Seryoso ako, sasama muna ako sayo. Kung sinasabi mo ngang nasa kapahamakan ako, dapat talagang lumayo ako. Mas gugustuhin ko 'ring makita ang halaga ko kay stevan, kung hahanapin niya ba ako kung sakaling mawala ako.."
Natawa si seniorito stuart. "For me, he will find you. I know my brother, hindi siya mag-aaksaya ng laway sa babaeng tulad mo kung hindi ka niya pinahahalagahan. And this plan, it will be my brother punishment.."
"Tama lang naman ang ginawa ko hindi ba?"
"Para sa akin oo, masyado na rin namang nag-iinit si daddy agaton. Madalas na makansela ang mga lakad niya, nawawalan siya ng ka-transaksyon at nasisira ang araw niya. He's too busy, mabuti na lang at hindi niya nahahalata na hindi ikaw si dahlia.."
Nag-iwas ako ng tingin, iyon nga din ang iniisip ko. Masyado ba akong magaling umarte at napapaniwala ko si don agaton? O baka naman sinasakyan lang niya ako?
Pero hindi, kung may alam na siya. Tiyak na may gagawin siyang hakbang upang paslangin ako.
"Ikaw ba, kung sakaling hindi mo ako nakilala bilang cordaphia. Maniniwala ka ba na ako si dahlia?" nilingon niya ako, matagal siyang tumitig sa akin bago mag-iwas ng tingin. Kalaunan ay umiling siya, natatawa.
"Magkaiba kayo ng amoy ni dahlia, kabisado ko lahat ng reaksyon ni dahlia. Ang mga manerism niya na hindi mo naman ginagawa, kilalang kilala ko si dahlia. At kung sakaling hindi man kita nakilala noon, hindi mo ako malilinlang na ikaw nga si dahlia.."
Napanguso ako sa sinabi niya. Siguradong minahal nga nito si dahlia base sa kanyang sagot. Sadyang nagtataka lang talaga ako kung nasaan na ngayon si dahlia.
"Wala ka bang ideya ngayon kung nasaan siya?" bumuntong hininga siya sa tanong ko.
"I don't have any idea If where she is. Siguradong nagagalit siya dahil mas pinili ko si mommy ng gabing iyon kesa sa kanya, pero kahit ano naman ang sabihin niya. Mas gusto ko pa rin unahin ang kaligtasan ni mommy, but dahlia is gone. Hindi na siya nagpakita."
"Limang taon na siyang nawawala? Kung ganon, limang taon na rin ang anak n'yo?"
"I don't know, maybe yes. Hindi ko alam kung nanganak ba siya, but before she's gone. Dalawang buwan na siyang buntis.."
Napalunok ako sa sinabi niya. Medyo lumilihis ang nasa isip ko kung si stuart ba talaga ang ama ng pinagbubuntis niya o hindi naman kaya ay si stevan.
"Paano ka nakakasigurong ikaw nga ang ama ng bata?" nilingon ako nito, matindi ang pagkakakunot ng noo niya dahil sa sinabi ko.
"What do you mean by that?"
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...