Accusing the innocent

638 22 2
                                    

Chapter 34

Third Person Pov.

Inakusahan ang dalaga ng patong-patong na kaso dahilan upang makulong ito. Nasabi ng abogado ni stevan na tatawagan nito si stuart upang makahanap ito ng attorney niya upang siya ang humawak sa kaso ni cordaphia na pilit nilang sinasabi na ito'y si dahlia.

Iyon kasi ang lumabas na resulta sa DNA test kaninang umaga. Nagtataka rin si cordaphia kung bakit nagkaganon ang resulta ng test na 'yon. Medyo hindi siya kumbinsido na dumaan sa tamang proseso ang DNA test nila dahlia.

Natitiyak niyang may nagmanipula nito at iyon ang matinding palaisipan kay cordaphia kung sino ang taong iyon.

ISANG oras na ang lumipas simula ng maiwan ang dalaga sa prisintong iyon. Pansamantala siyang nakakulong muna sa prisinto habang hinihintay nito si stuart upang makakuha sila ng abogado.

Nais rin ni cordaphia na magpa-DNA test muli upang patunayan kay stevan na nagkakamali siya. Sa oras na mapatunayan nitong siya si cordaphia, hindi niya kailanman patatawarin si stevan. Hindi ito magdadalawang isip na ilayo ang anak nila sa lalakeng iyon dahil siya ang dahilan kung bakit nagdurusa siya ngayon.

“May dalaw ka...” mabilis na napatayo si cordaphia matapos sabihin iyon ng isang pulis. Binuksan nito ang rehas at mabilis na pinalabas si cordaphia upang akayin patungo sa kinaroroonan ng nasabing bisita.

Naghihintay si stuart sa isang pwesto kung saan maaari silang mag-usap ni cordaphia. Maraming pulis ang nakapalibot doon at siniguro nilang walang makakaalis na kriminal.

“Daphia...” niyakap siya agad ni stuart matapos nilang magkita. Hindi maiwasang maiyak ni cordaphia dahil hindi niya inaasahan na sa bandang huli ay si stuart lamang ang kanyang masasandalan. “I'm sorry, i wasn't there when they arrest you. Pasensya na, hindi man lang kita naipagtanggol ka stevan...”

Humiwalay ang dalaga bago ngitian ng tipid si stuart, pinahid ng dalaga ang pisngi nito habang pilit na tinatatagan ang sarili.

“H-hindi mo k-kailangan humingi ng sorry, alam kong inaasikaso mo rin ang pagsampa ng kaso kay stevan. P-pero, paano na ang mga anak ko? Sino ang mag-gagabay sa kanila kung makukulong din si stevan?”

Bumuntong hininga si stuart. “Hindi ka magtatagal dito, daphia. Gagawa ako ng paraan upang mailabas kita agad dito. Hindi ka na maililipat sa jail, kukuha ako ng magaling na abogado at iimbestigahan namin ang nangyari sa DNA test at ang Cctv footage na ipinakita ni stevan sa pulisya...” muli'y ngumiti si daphia dahil sa narinig, tila ba nabuhay muli ang pagasa niya dahil kay stuart. Alam niyang mabutin tao ang kuya ni stevan at magka-iba sila ng ugali at prinsipyo.

Hindi malaman ni cordaphia kung saan ba nakuha ni stevan ang ganoong pag-uugali. Ngunit nakasisiguro ito na hindi masama si stevan noon, marahil ay kinakain lamang siya ng kanyang galit dahil sa pagkamatay ni senyora amelia.

NANG araw 'ding iyon ay agad ng inasikaso ni stuart ang paghahanap ng magaling na abogado. Sa ngayon, mas focus muna ang binata kay cordaphia dahil hindi rin naman na siya naaalala ni dahlia. Mas concern niya ngayon ang dalaga dahil isang buwan pa lamang ang lumipas ng magsilang siya, kailangan rin siya ng kanyang dalawang anak. Hindi nito mapangalan ang galit na nararamdaman niya sa kanyang kapatid.

Matapos nitong tawagan ang kanyang abogado, nagtungo muna si stuart sa mansyon ni stevan. Sinalubong siya ni manang mercy habang nagliliyab ang mata nito sa galit.

“Nasaan si stevan?”

“Nasa kanyang opisina, hijo. Nagpapahinga lang...” alam ni manang mercy kung bakit ngayon narito si stuart. At wala din siyang magagawa kung mag-away man ngayon ang kapatid dahil pabor naman ito sa gagawin ni stuart.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now