Chapter 18
Third Person pov.
Sa silid ni cordaphia, payapa itong natutulog habang sinusuri ito ng doktor. Walang ibang nakita ang doktor dahil tinutukan lamang niya ang dalaga. Hindi rin ito nagbigay ng gamot dahil nagsuhesyon itong kumunsulta sa kaniyang klinika pagka-gising ng dalaga.
Bakas ang pag-aalala sa mukha ng binatang si stevan habang nakatingin kay daphia. Kalahating oras na itong natutulog buhat ng himatayin ito kanina.
"Kailan ba ang huling dalaw ng asawa mo?" usisa ng family doctor nila matapos nitong iligpit ang kanyang kagamitan.
Saglit na napaisip ang binata sa tanong iyon ng senyor. "I didn't know."
"Ang sabi ni mercy, madalas daw magsuka ang asawa mo tuwing gigising ito ng umaga. Nabawasan rin ang pagkain nito at madalas ay matamlay siya, kung ako sa'yo hijo. Ipakunsulta mo na ito sa obgyne.""Sinasabi mo ba na may posibilidad na buntis ang asawa ko?"
"Dahil lahat ng syntoms ay nangyayari sa kanya. Hindi malayong buntis nga ang asawa mo." Panandaliang napalunok si stevan dahil sa sinabi ng doctor. Sa kaisipang buntis ang kanyang asawa, dinaig pa nito ang nakakuha ng mana sa sobrang kagalakan na kanyang nararamdaman.
"Mauuna na ako." Paalam ng doctor bago ilahad ang papel na may pangalan at address. "Diyan mo dalhin ang asawa mo, magaling na obgyne ito." Tinanggap ni stevan ang inabot niyang papel, hangga ngayon ay Hindi pa rin siya makapaniwala na may posibilidad na buntis nga si daphia.
Aaminin nitong nasa plano nga nito na buntisin ang dalaga. Sa edad niyang bente siete, kailangan na nitong magka-anak. Kahit bata si daphia ng halos apat na taon ay Hindi na niya iyon inisip pa. Ang importante lamang ay magka-anak ito, idagdag mo pa ang panlabas na anyo ng dalaga. Walang Duda na may pagkakahawig nga sila ni dahlia gostavo.
Ngunit para kay stevan, wala na ang nakaraang pag-ibig nito kay dahlia. Halos napagtagpi-tagpi na nito ang bawat eksena, ang pagkamatay ng kanyang ina at ang biglaang pagkawala ni dahlia .
Nagdududa na ito simula pa lang, ngunit wala lamang itong sapat na ebidensya kaya't sa loob na apat na taong lumipas ay hindi pa rin nakakamit ni stevan ang hustisya para kay amelia."H-hm." Paungol na napadaing si dahlia dahilan upang lumapit siya rito. Kakalabas lang ng doctor nang magising ito, samantalang ang mayordomang si mercy ay nakalapit din agad ng makita nitong pumaling ang ulo ng dalaga.
"Daphia?" bahagyang nakabukas ang mga mata ng dalaga matapos itong tawagin ni stevan. Nang makaaninag ito ng maayos ay tuluyan na niyang nasilayan si stevan. "How was your feeling?" Bakas talaga ang pag-aalala sa tinig ni seniorito. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya kanina ng mahimatay ang dalaga."G-gusto ko ng t-tubig.." sa inusal na iyon ni daphia ay agarang kumilos ang ginang. Dahil may nakahanda ng inumin sa gilid ng mesa ay madaling nagsalin si mercy at dali-daling inabot iyon kay stevan.
Inilalayan na muna nitong maupo ang dalaga bago painumin ng tubig. Matapos 'non ay dahan-dahan niyang muli itong hiniga sa kama.
"Anong nararamdaman mo ngayon?" Muli ay nagtanong si stevan. Nais niyang Malaman kung anong nararamdaman ng dalaga upang ngayon din ay umalis sila para mapasuri ito sa klinika."M-maayos lang." Salubong ang kilay ni stevan dahil sa sinagot niyang iyon. Tila Hindi pa ito kumbinsido dahil sa sinabi ng doctor kanina na baka may posibilidad na nagdadalang tao siya
"Hindi ba masakit ang tiyan mo?" Sa takot na baka maapektuhan ang bata ay hindi niya naiwasang itanong iyon sa dalaga. Umiling si daphia dahil totoong maayos na nga ang kanyang nararamdaman dahil nakaidlip naman ito kahit papaano.
"Wala akong nararamdamang masama, stevan." Tinawag niya ito sa pangalang iyon. Ang nais kasi ng binata ay maging palagay na sila sa isa't isa. Ayaw na ayaw nitong tinatawag siyang seniorito ng babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/316935362-288-k239062.jpg)
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomanceCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...