Chapter 37
Third Person Pov.
Sa tinagal ng panahon simula ng mapabalitang patay na si cordaphia. Nitong araw lamang sila nagkita ni stuart, mahigit dalawang buwan na ang lumipas ng magtago si cordaphia sa piling ng attorney niyang si rico.
Planado na ang lahat sa muli niyang
pagbabalik, nakahanda na ito. Tinatatagan na niya ang kanyang loob upang muli nitong makapiling ang mga anak.Ngunit hindi pa niya tuluyang maipapakilala ang sarili bilang cordaphia. Lihim itong magtatago sa ibang pagkatao upang hindi makilala ni stevan.
May doctor na kilala si stuart upang matulungan sila. Hindi naman na sasalang sa operasyon si cordaphia o ano 'mang pagreretoke sa kanyang mukha. May idaragdag lamang sa katawan ni cordaphia upang makitang mataba siya. Malaki ang katawan ni cordaphia ngayon habang ang mahaba niyang buhok ay kanilang kinulutan. Ang ilong niya'y nadagdagan upang mag-iba ang hubog nito, ang kilay at ngipin nito ay naiiba lahat. May suot siyang makapal na salamin habang may malaking nunal ito sa gilid ng mukha.
Hindi mo talaga aakalain na ang babaeng ito ay si cordaphia macapagal. Ibang iba na siya ngayon kumpara sa nakaraang pagkatao niya, ngunit hindi naman na ito permanente. Sa oras na makasama nito ang anak at masigurong ligtas sila ay muli na itong babalik sa totoo niyang pagkatao. Ngunit desidido na siya, hindi na niya kailanman pakikisamahan pa si stevan dahil sa nangyari. Dahil kay stevan kaya't nagdurusa siya ngayon at nasasaktan.
“I already call the agency yesterday, baka ngayong araw darating ang bagong yaya..” stuart broke the silence while they eating. His tita melinda sitting next to him and her husband. Dahlia gostavo is still with them, she's not allowed to go somewhere else from now on.
“Maayos naman siguro ang nilapitan mong agency hindi ba? Ayoko ng makahanap ng ibang yaya katulad ng mga naunang nakasama ko..” tumango si stuart, ang mga dating katulong na kinuha ni stevan ay kanilang pinaalis na. Stuart build a plan to make them leave, para muling humanap ng ibang katulong. Kinailangan niyang siraan ang dalawa, iyon ang plano niya na naging matagumpay naman.
And now, the new yaya is coming today. Walang kaalam-alam ang mga kasama ni stuart na ang bagong kasambahay na mamasukan ay ang inaakala nilang namatay na.
Sa ngayon kasi, hindi pa rin nahahanap kung nasaan si ryan. Wala pa din balita tungkol kay agaton kung kaya't kailangan niyang kumilos ng patago. Samantalang si stevan naman ay ilang linggo na 'ring hindi umuuwi, madalas na wala siya sa mansyon at kung bibilangin mo ang araw na pagdalaw niya sa kanyang mga anak, mabibilang mo iyon dahil sa sobrang dalang lang.
“Ayoko ng katulong na puro lang pagpapaganda ang alam. Ayoko rin ng tamad, iyon ang sinabi ko sa agency. Then, after i call them. They send a picture and information about their employee, her name is olivia..”
Tumango-tango si melinda sa sinabing iyon ni stuart. “Atleast, you already know her background. Samantalang sa mga dating nakasama natin ay si stevan lang ang may alam, hindi rin naman natin kailangan ng madami. Kahit isa lang, dahlia is with us naman..” nag-angat ng tingin si dahlia, tipid itong ngumiti dahil magaan naman ang dugo niya sa mga bata, besides. She treat them like her child, nakakaramdam din kasi ng awa si dahlia sa mga bata. Para bang kasalanan niya kung bakit nangyari iyon kay cordaphia.
Iniisip rin naman niya na nagsasabi ng totoo sila stuart maging si melinda. Hindi na rin naman niya pinilit ang
kanyang kinamulatan simula ng magka-amnesia siya. Tinanggap na nito sa sarili na siya talaga ang totoong dahlia gostavo kahit na wala itong ni katiting na maalala sa kanyang nakaraan.ALAS OTSO matapos pumarada ang sinasakyan kotse ni cordaphia sa harapan. Medyo kabado ito ngayon kahit na ilang araw na niyang pinaghandaan ito. Ngunit wala naman na siyang balak umatras pa. Buo ang kanyang desisyon na magpanggap bilang Olivia Policarpio. Hindi naman na ito mananatili bilang olivia, may hangganan rin iyon at pansamantalang gagawin lamang niya ito dahil nais niyang makasama ang mga anak at masigurong maayos lamang sila.
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomantikCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...