Chapter 28
Third Person Pov.
(Flashback)
Padaong na ang sinasakyang bangka ni mang esting sa buhangin, maalon ang karagatan maging ang langit ay nakikisama sa sama ng panahon. Malakas ang hangin habang sinasabayan ng maliliwanag na kidlat sa ibabaw. Nagmamadali ang matanda na itali ang kanyang bangka dahil sa paparating na bagyo. Ang tubig ay umaabot na sa buhangin sa sobrang lakas ng alon, hindi na siya nakapaglaot dahil na rin nalaman niyang may bagyo ng paparating.
Sa sobrang pagmamadali nito ay natamaan niya ang dalang paritan, nahulog iyon sa buhangin kaya't namatay ang ginagamit niyang ilaw. Napakamot siya sa kanyang ulo at minadali na ang kanyang ginagawa, hindi na nito pinansin kung wala man siyang magagamit na ilaw sa pag-uwi, ang importante. Nasa maayos na lagay ang kanyang bangka.
Nagmadali na siyang lumakad ng mag-umpisang pumatak ang ulan, iniisip na nito ang asawa na tiyak lamang ang pag-aalala sa kanya. Siya ang lolo ni cordaphia, ang pangalan nito ay estacio macapagal na kilala bilang sa mang esting, naninirahan sila malapit sa dagat at ang hanap buhay nito ay pangingisda, ang asawa niya ay si layla na nag-aalaga ng kanyang apo sa bahay. Iniisip nila na nasa ibang bansa si cordaphia dahil noong huli nilang pag-uusap ay iyon ang kanyang sinabi.
Sa paglalakad ni mang esting pauwi, may isang tao siyang nakita na nakadapa malapit sa gilid ng dagat. Hindi siya sigurado kung babae o lalake ba ito ngunit bigla siyang kinabahan, natatakot man siyang lumapit sa taong iyon dahil iniisip nito na baka patay na siya. Ngunit hindi naman siya mapapakali kung hindi niya iyon titingnan, nilapitan niya ang taong nakadapa at tuluyan na nitong nalaman ang kasarian ng taong nakita niya.
"I-ineng?” sinubukan niyang tawagin ang babae ngunit wala itong naging imik, masama ang kutob niya na tinangay lamang ng alon ang katawan ng babae mula sa kanilang lugar.
Hinawakan niya braso ng dalaga upang itihaya ito pahiga, ngunit ng makita nito ang mukha ng dalaga ay halos mapaatras siya sa gulat.
”A-apo?” hindi siya halos makapaniwala na makikita niya ang isang pamilyar na mukha. Inakala niya na ang apo niyang si cordaphia ang babaeng ito dahil sa pagkakahawig nila, ang hindi niya alam ay ibang tao ito. At ang babaeng nakita niya ngayon ay ang nawawalang si Dahlia Gostavo.
”J-josko a-apo! I-ikaw nga!” halos maiyak siya ng tuluyan nitong buhatin ang walang malay na dalaga, sugatan siya at may malaking sugat ito sa ulo at noo. ”A-anong n-nangyari s-sayo a-apo k-ko?” pinilit nitong kargahin ang dalaga ngunit hindi niya ito nakayanan, mabuti na lamang ay may dalawang lalake pa sa hindi kalayuan habang tinatali rin nila ang kanilang bangka.
”TULONG!” sumigaw si mang esting upang humingi ng tulong, madali siyang narinig ng dalawang lalake na natigilan sa ginagawa. ”T-tulungan niyo ako! Ang a-apo ko!” nagmamadali silang tumakbo upang lapitan si mang esting na humihingi ng tulong. Dahil kilala sa lugar nila si cordaphia ay agaran nilang namukhaan ang dalaga.
May pagkakahawig nga naman kasi sila ni dahlia ngunit hindi sila kambal, sadyang may pagkakapareho lang talaga sila ng anyo ngunit may isang palatandaan kay dahlia na wala si cordaphia. Ang balat nito sa kanang dibdib na nagbibigay tanda na siya si dahlia gostavo.
”Ano pong nangyari sa apo ninyo?”
”H-hindi ko alam! Tulungan niyo akong dalhin siya sa pagamutan para malunasan siya agad!”
YOU ARE READING
The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)
RomansaCordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet senio...