Mahal kita

804 27 1
                                    

Chapter 21

Cordaphia Pov.



Wala akong ideya kung bakit may ganitong daan sa likuran mismo ng malaming frame kung saan makikita mong madilim lamang ang naroon. Pinilit kong humakbang upang muli ay ayusin ang frame sa pwesto nito, naguguluhan pa rin ako at halos tambulin ang puso ko sa sobrang kaba.

Nais kong pasukin iyon ngunit hindi ko pa kaya sa ngayon, naghalo-halo na ang emosyon sa aking dibdib. Idagdag mo pa ang kasambahay kanina na may itinatago palang patalim sa kanyang dala.

Napalunok ako.

Pilit kong inayos ang sarili bago humugot ng mahabang hininga. Hindi pa man ako nakakabawi sa nangyari, bigla na lamang akong nagulat ng may magsalita sa likuran ko.

”What are you doing here?” mabilis na napalingon ako sa lalakeng iyon, malalim ang kanyang tinig. Ang awra niya ay lalong nag-iba ngayong gabi habang pinagmamasdan ko ang kabuuan nito.

”S-stevan?” halos manginig ang buong sistema ko habang pinagmamasdan ang lalakeng nasa harapan ko.

Animo'y pinaulanan siya ng dugo dahil sa kanyang ayos, ang kamay niya ay may hawak na baril. Duguan iyon maging ang buong kasuotan niya.


Lumapit siya sakin ngunit napaatras ako. ”A-anong n-nangyari s-sayo?”

”You are obviously afraid of me.” bahagyang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi nawawala ang titig niya sakin habang pinakikiramdaman ko ang tibok ng puso ko. ”I came home right away to see you. I'm worried about you, you might be in danger.” nangunot ang noo ko.

”A-anong i-ibig mong sabihin?”


Umiling siya. ”Nothing, go to your room. I will just take a shower.” humakbang ako upang lumapit sa kanya, binalak ko siyang hawakan ngunit humakbang siya palayo sa akin. ”Don't touch me right now. I k*lled a lot of people tonight.” natigilan ako sa sinabi niya, para ba akong minantilyo sa kinatatayuan at bigla'y hindi na ako makagalaw sa sinabi niya.


”I'm sorry if i didn't tell you about this, but i want you to know who really i am. I don't want to keep a secret from you anymore and sleep without you every time i do something bad.” nanatili akong tulala sa lahat ng sinabi niya. Hindi na lalo akong makakilos habang unti-unti kong binabalik ang tingin sa kamay niya at hawak nitong baril.

Ako ngayon ang biglang napaatras, para bang nanghina at nahilo ako bigla sa nalaman habang naiiling. Sa sobrang pagpapanic ko ay hindi ko na namalayang matutumba ako.

Mabuti na lamang at mabilis ang naging pagsalo sa akin ni stevan, ngunit kahit titigan ko ito ay wala ng klaro kahit anong parte ng mukha niya. Patuloy na nanlabo ang aking paningin at ang huling salita nito ang siyang tumatak na lamang sa isip ko.


”I can't afford to lose you, i'm sorry.”


____________


HINDI naging mahaba ang pagtulog ko matapos kong mawalan ng malay. Ngunit wala ako sa aking silid, nasa ibang kwarto ako na halos kulay puti ang nakikita ko.

Hindi pa ako makapagsalita dahil pinakikiramdaman ko ang sarili. Ngunit dinig na dinig ko ang pagsasalita ng doctor sa tabi ko na para bang hindi nila napansin ang pag-gising ko.

"Your wife is pregnant." nakatalikod sa akin si stevan habang kaharap nito ang doctor na may suot ng mask. Ngayon ko lang din napagtantong nasa ospital ako.

The Adventures of yaya Cordaphia (COMPLETED)Where stories live. Discover now